CHAPTER SIXTEEN
THE FIRST WEEK of class for Agatha was not that hectic. Pero iba sa kaso ng asawa niyang si Reeve. Marami talaga itong mga trabahong inaasikaso. Sinabi rin nito sa kanya na mas binibi-build up pa nito ang trust sa board members ng Anderson Auberge. Kung iisipin kasi, napakabata pa ni Reeve para sa napakataas na posisyon nito sa dalawang pinakamalaking hotel na iisa na lang ngayon. Pero alam niyang mapapatunayan ng asawa niya na karapat-dapat ito sa posisyong hawak nito.
Literally, hindi na talaga sila nagkikita ng asawa. Kapag umaga, bago siya pumasok ay natutulog pa ito. Pagkatulog naman niya ay saka pa lang ito umuuwi. Gusto man niyang hintayin ito sa gabi, hindi niya talaga kaya. Habang may oras pa siyang matulog ay natutulog na siya. Alam niya kasing magkakaroon din siya ng kulang-kulang na tulog or wala sigurong tulog kapag totoo nang nag-umpisa ang mga klase nila. But they still manage to keep their communication open. They share a conversation over the phone every lunchbreaks. They spend an hour or less in talking about what's going on with them. May mga freetime rin siya at minsan, sobrang saya ang nararamdaman niya kapag tumatawag ulit sa kanya si Reeve dahil may meeting itong hindi natuloy or what.
That simple gesture really made her love Reeve more. Kaya nga umiisip na siya ng mga plano para naman mabuksan na muli ang puso nito sa lahat ng hang-ups nito sa buhay.
Actually, sinimulan niya na iyon. She started with Prince.
Minsan, bago pa magsimula ang pasukan ay nakakuwentuhan niya ang kanyang Daddy tungkol sa pagre-retire nito. Umabot ang kuwentuhan nila sa pagpapakitang gilas ng Daddy niya na kabisado daw nito ang lahat ng suppliers and company investors ng Anderson Auberge. Her father narrated one by one until she heard the "Aguilar Comforts". Alam niyang Aguilar ang last name ni Prince. Alam niya ring maraming Aguilar sa mundo pero nang narinig niya ang pangalang AC, ni-research niya agad iyon. At tama nga ang kutob niya. Aguilar Comforts was a fabric supplier company that was famous in Europe and Asia. May company-based ito sa Pilipinas at kaka-take over lang ni Prince bilang CEO ng kompanya.
She knew how Reeve works. Basta negosyo ay walang hini-hindian ito. She talked to her father and suggested na i-uniform na lang ang fabric supplier ng Anderson at Monteverde Hotels. Potential investor din kasi ang AC kaya mas makakatulong iyon sa kompanya. His father liked her suggestion. Sinabi nitong sasabihin daw nito iyon kay Papa Roman—her father-in-law. From there, sigurado na siyang sasabihin iyon ni Papa Roman kay Reeve.
Then, she found a way to contact Prince...
"Hello, good morning. May I speak with Mr. Prince Aguilar?" she said over the phone.
"Good morning," came that baritone voice. "This is Prince speaking. Who is this?"
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Prince, this is Agatha."
"A-Agatha?" tila nagulat na sabi nito. "Agatha Monteverde?"
"Yes, Prince. May ginagawa ka ba or something? I just need to talk to you."
"Wala naman akong masyadong ginagawa. Ahm... I'm surprised that you called me. I mean, your Reeve's wife and I know that Reeve already told you what happened before and for sure, sinabihan ka na niyang umiwas sa'min. Maybe galit ka na rin sa'min. I just didn't expect this call."
"Prince, to tell you honestly, I felt angry towards you and Lana after Reeve told me about the past... Nakikita din natin ngayon kung anong naging epekto sa kanya niyon. Hindi nga iyon madaling kalimutan. But who am I to judge if I didn't know your side of the story? Everything happens for a reason. Alam ko may dahilan kayo," malumanay na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Wifely Duties - Published by PHR
RomanceAgatha would make Reeve fall for her. Eventhough, Reeve doesn't believe in love, she will try everything just to win his heart. At sa planong pagpapakasal sa kanila, she'll gladly give her wifely duties to him. Kahit hindi pa siya mahal nito...