Chapter Seven

394K 5.4K 327
                                    

CHAPTER SEVEN

Pagkatapos kumain ng dinner ay sabay silang nagligpit ni Reeve nang pinagkainan. Buong maghapon silang nasa loob lang ng condo nito at nagbukas ng mga regalo. Inabot na sila nang gabi ngunit wala pa rin ata sa kalahati ang nabubuksan nila. Nag-decide na lang sila ni Reeve na buksan pa ang mga natitirang regalo kapag nakalipat na sila sa kanilang totoong bahay.

Mabilis siyang natapos sa paghuhugas ng mga pinagkainan habang si Reeve naman ay natapos na rin ang pag-aayos ng mga regalo sa sala. Paglabas niya ng dining room ay mas maluwag na ang sala. Naitabi na sa isang gilid ang mga hindi pa nabubuksang mga regalo habang nasa isa pang gilid at nakaayos na nakalagay ang mga nabuksan na.

Lumabas si Reeve mula sa kuwarto. "Nilagay ko na sa loob yung tatlong box na nakapangalan sa'yo."

"Thank you." Napansin niyang tagatak ang pawis nito kahit pa centralized ang aircon ng buong unit. Lumapit siya rito at pinawi niya ang pawis sa noo at leeg nito gamit ang kamay nito. "You better change your shirt. Pawis na pawis ka na, o. Baka matuyuan ka ng pawis."

Hinuli nito ang mga kamay niya. Nilagay nito iyon sa laylayan ng sando nito. "Take it off, then."

When he said that, she felt again that certain heat just bellow her belly. Yumuko siya at dahan-dahang inalis ang suot nitong sando. Tinupi niya iyon at pumunta sa likuran nito upang mapunasan ang likod nito. All the while, hindi lang kumikibo ito at nakatayo lang. Pumunta naman siya sa harapan nito upang punasan ang leeg, balikat at dibdib nito.

Alam niya. Nararamdaman na naman niya. There goes again the tension between them... Bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Hinapit siya nito sa baywang. Napatingala siya rito at agad na sumalubong sa kanya ang mga labi nito. He kissed her passionately.

Nabitawan niya ang hawak at agad na napayapos dito. His tongue started to invade her mouth and tasted every corner of it. Until her tongue followed what he's been doing. They started to moan. Mas hinapit pa siya nito at mas naramdaman niya ang reaksiyon ng katawan nito.

He carried her, their lips still locked with each other. Maya-maya pa'y naramdaman na lang niya ang paglapat ng likuran niya sa malambot na higaan. Nasa ibabaw niya ito.

"Reeve..." she whispered when their lips parted. Nagkatitigan sila. He slowly reached the hem of her dress at iniangat iyon upang mahubad sa kanya. Nang mawala iyon ay mabilis rin nitong natanggal ang clasp ng kanyang bra.

The next moments were again full of wonderful bliss! Mas ipinagpapasalamat ngayon ni Agatha na naghintay siya hanggang sa makasal sila ni Reeve. This is indeed a very wonderful reward of waiting...

Hingal na hingal sila pareho at sa isang iglap ay nagkapalit na rin sila ng puwesto. Siya na ang nasa ibabaw nito. Magkalapat ang kanyang dibdib at ang malapad din nitong dibdib. Nakita niyang nakapikit ito habang pinapantay ang paghinga. Kusang umangat ang mga kamay niya sa mukha nito at pinawi ang pawis sa noo, sa pisngi, at sa leeg nito. Napadilat ito.

Nang magsalubong ang kanilang mga tingin ay nginitian niya ito.

Wala lang itong reaksyon. "What are you doing?" nagtatakang sambit nito.

"Pinupunasan ko pawis mo."

"Why are you doing that?"

"Baka kasi magkasakit ka," biro niya pa. Dinampian niya pa ng halik ang matangos nitong ilong. Nakita niyang nakatingin pa rin ito sa kanya na parang may pagtataka sa mga mata.

"Why?" tanong naman niya.

Umiling lang ito. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha niya.

Wifely Duties - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon