CHAPTER EIGHT
Agatha felt so excited nang makapasok na siya ng elevator na magdadala sa kanya sa Penthouse ng Monteverde Hotel sa Cebu. She's excited to see her husband.
Actually, kanina pa siyang hapon sa Cebu. Pang-hapong flight lang ang nakuha ni Elisa nang pakiusapan niya ito kahapon na ikuha siya ng flight para sa araw na 'to. Nagpahinga siya sa Anderson Auberge na hindi kalayuan sa Monteverde Hotel. May sarili siyang kuwarto doon dahil madalas silang nagbabakasyon ng parents o ng mga kaibigan niya sa Cebu. Nagpahinga lang siya kanina at sinadyang hindi sagutin ang mga tawag ni Reeve kahit pa gustung-gusto niya. Baka kasi mabuko siya nito. Hirap pa naman siyang magsinungaling kapag nakikipag-usap siya. Pero, kapag text messages lang, katulad ng pagpapalitan nila ng text ni Reeve, ay nakakagawa siya ng istorya.
Sana hindi ito magalit sa pagsorpresa niya rito.
Nang maalala niya ang text nitong: "I just left my office. I'm going up to my room here. Yes, I'm tired. I wish you were here.", ay napangiti siya. He wanted to see her and be with her.
Bago magsara ang pinto ng elevator ay may isang lalaking nakahabol sa pagpasok.
"Whew!" anito at parang hinihingal pa. "Buti nakahabol." Agad nitong pinindot ang button para sa 19th floor.
Matangkad ito pero sa tingin niya ay mas matangkad pa rin si Reeve dito. He has an almond shaped eyes and pointed nose. May mga stubbles ito at manipis na bigote. He looks ruggedly handsome. Naka-jeans ito at black shirt. He also has a well-built body, broad shoulders, at may muscles ang mga balikat nito.
Saktong nalayo niya na ang tingin dito nang lingunin siya nito.
"Hi," bati nito sa kanya.
Nilingon niya ito. "Hello," magalang na bati niya rito at saka ngumiti. Pagkuwa'y bumalik ang tingin niya sa floor indicator.
Napasinghap siya ng biglang tumigil ang elevator at namatay ang ilaw sa loob niyon.
"What's happening?" tanong niya sa nag-iisang taong kasama niya sa loob. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa and turned on it's flashlight
"Damn it!" he silently cursed. Nilabas din nito ang cellphone at inilawan ang emergency button. Mabilis nitong pinindot niyon. "Relax, Miss. Nangyayari talaga 'to. The staff said may problema talaga sa elevators nila."
"Na-trap ka na ba dati?"
"Yeah. Yesterday I did. Pero marami kaming nakasakay ng elevator."
"Oh." Siguro ay isa sa mga problema ng hotel ang sirang elevator ng mga ito. Monteverde hotel is a five-star hotel. Malaking dungis sa reputasyon ng mga ito ang may sirang elevator. Inconvenience kasi iyon sa mga guests.
May nakita silang pulang ilaw sa may ibabaw ng emergency button. Maya-maya'y may boses na lumabas mula doon.
"I'm sorry for the inconvenience, Ma'am/Sir. We're trying to fix the problem."
"How long will this take?" tanong ng lalake.
"Maximum of thirty minutes, Sir. We're really sorry, Sir. We thought the elevators were already fixed."
Akala niya ay magagalit ang lalake ngunit magalang itong tumugon.
"Okay. Thank you. If it's possible na mas madalian, please do. I'm with a lady here."
"Yes, Sir."
"Looks like were stuck here for at most thirty minutes," anito sa kanya.
She sighed. "It's fine. Alam kong mabilis nilang maaayos 'to." Sumandal siya sa isang sulok. Made-delay pa ang pagkikita nila ng asawa. Baka pagdating niya ay tulog na ito dahil sa sobrang pagod.
BINABASA MO ANG
Wifely Duties - Published by PHR
RomanceAgatha would make Reeve fall for her. Eventhough, Reeve doesn't believe in love, she will try everything just to win his heart. At sa planong pagpapakasal sa kanila, she'll gladly give her wifely duties to him. Kahit hindi pa siya mahal nito...