CHAPTER THIRTEEN
-SPECIAL PART (Lana)-
Allana Rose dela Cruz. Simula nang magkaisip siya ay "Lana" na ang tinatawag sa kanya. She was taken care of her Yaya Conchita since she was born up to her teen years. She's an only child. Ang yaya niya ang lagi niyang kasama sa bahay, laging uma-attend ng school activities niya, at laging nagpapayo sa kanya ng mga bagay na kailangan niyang malaman.
Minsan niya lang makita ang mga magulang niya. Kung walang business trips ang mga ito ay isang beses lang silang nagkikita-kita. Tuwing breakfast na bago siya pumasok sa eskuwelahan at bago pumasok ang mga ito sa trabaho. Her father was a famous businessman while her mother was a well-known fashion designer. Obviously, hindi siya naging malapit sa mga ito kahit gustuhin man niya. She made a lot of effort when she was a kid. Lagi siyang nagpupuyat tuwing Friday at Saturday dahil hinihintay niya ang pagdating ng mga ito mula sa trabaho. Gusto niyang ipakita sa mga ito ang ginagawa niyang cards para sa mga ito, gusto niyang makita na tinitikman ng mga ito ang bine-bake nilang cookies ni yaya Conchita, at gusto niyang... mayakap ang mga ito bago siya matulog. Pero, hindi nangyayari iyon. Dahil kahit anong gawin niyang pagpupuyat noon ay hindi niya pa rin maabutan ang mga magulang niya sa pag-uwi...
"Yaya, bakit wala pa po sila Mama?" tanong niya sa kanyang yaya. She's already sleepy pero wala pa rin ang mga magulang niya.
"Lana, matulog ka na. Huwag mo nang hintayin ang mga magulang mo dahil gabing-gabi na silang umuuwi galing sa trabaho," sagot ni Yaya Conchita.
"But, Yaya, I wanted to give my cards to them," malungkot na sabi niya. Pinagawa sila kanina ng kanilang teacher ng mga cards para sa mga parents nila. She used a lot of colors para magustuhan iyon ng Mama at Papa niya.
"Bukas mo na lang ibigay. Sabay-sabay naman kayo nagbe-breakfast diba?"
"Yaya, bakit kapag breakfast ko lang sila nakikita? Tapos kapag breakfast pa, hindi naman nila ako masyado kinakausap hindi katulad mo. They'll just ask me if how's my school, then, that's it. Hindi ba nila ako love?"
"Hay nakung bata ka. Kung anu-ano naman yang iniisip mo. Halika na at matulog na tayo. Inaantok ka na, o." Yaya Conchita gently hold her hand and they went upstairs. "Wag mong isipin na hindi ka love ng mga magulang mo. Kaya nga sila nagtatrabaho lagi para sa'yo. Para nasa maganda kang school. Para magaganda yung mga damit mo.Para may maganda kayong house. Para may kotse na naghahatid sa'yo palagi sa school. Para masasarap ang mga pagkain mo. Para marami kang mga laruan"
"Eh, Yaya, gusto ko lang naman laging kasama sila Mama at Papa. Puwedeng wala na lang akong toys basta lagi ko silang kasama?" naiiyak na sabi niya.
Niyakap siya ng kanyang yaya at pinatahan. If she can choose between a good life and her parents, she will have no second thought to wish for her parents to be with her everytime.
Lumaki siya na kulang sa pagmamahal ng mga magulang. Although nandiyan si yaya Conchita, hinahanap-hanap niya pa rin ang love ng Mama at Papa niya. When she grew older, mas naging madalang na ang makita ang mga magulang niya. But, she never gave up on trying to talk to them. Kaso, nasasaktan lang siya tuwing ginagawa niya iyon. Pa'no kasi napaka-pormal kung makipag-usap sa kanya ang mga ito. Para siyang empleyado at hindi anak ng mga ito.
Until, college came. She just learned to accept na ganun na talaga ang relasyon nila ng kanyang mga magulang. Mabuti na lang at nandyan ang boyfriend niya na si Reeve.
Reeve was her batchmate in highschool. First year pa lang siya ay may gusto na siya rito. Pero kahit kailan ay hindi sila nagkapareho ng section. Okay na siya sa pagtanaw-tanaw dito tuwing lunchbreak at recess. Actually, kalahati ng babae sa kanilang section ay may gusto rin dito. Ang isa pang kalahati ay sa bestfriend naman nitong si Prince.
BINABASA MO ANG
Wifely Duties - Published by PHR
RomanceAgatha would make Reeve fall for her. Eventhough, Reeve doesn't believe in love, she will try everything just to win his heart. At sa planong pagpapakasal sa kanila, she'll gladly give her wifely duties to him. Kahit hindi pa siya mahal nito...