Chapter Nineteen

320K 5.5K 406
                                    

CHAPTER NINETEEN


"OH MY GEEEEEE!" nakakabinging tili ni Trisha pagkatapos ikuwento ni Agatha ang nangyari kahapon.

Napangiwi si Agatha. "Calm down, Trish," natatawang wika niya.

"Eh, kasi naman! Sabi ko na nga ba, eh! Napo-fall na sa'yo si Reeve!"

"Nagtatanong pa lang siya. Hindi pa siya nagsabi ng 'I love you'."

Pabirong hinampas siya nito sa balikat. "Duh? Parang ganun na rin iyon! Magtatanong ba siya ng ganun kung hindi?"

Napangiti na lang siya. "Okay, maybe it's like that. But... it's not."

"Bahala ka nga. So, anong sagot mo?" excited na tanong nito.

"Wala."

Napakunot-noo ito. "Ha? Wala? Bakit wala? Natameme ka ba? Bakit wala kang sinabi?"

She laughed. "Okay... yes, I was dumbfounded at that time. I was so speechless! Tanungin daw ba 'ko ng ganun? Sige nga? Sinong hindi magugulat?"

"Oo nga naman," she agreed. "Ang nagsabi pa talaga sa'yo ay ang sinisinta mo simula pa nang grade five ka," tukso nito.

"I know, right?" Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa kiliting nararamdaman sa puso. A day had passed, but she knew she'll never get over with that breathtaking question of Reeve. "And another, I wanted naman to answer his question nang maka-get over ako ng kaunti. Saktong may importanteng tawag siyang sinagot, and he needed to go back to the office agad. So... ayun."

Trisha made face. "Hmp. Nakakabitin naman."

Nagkibit-balikat lang siya at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng librong kailangan niya para sa kanyang thesis.

"Eh, kagabi? Anong nangyari kagabi?" pangungulit pa rin nito.

"Remember, hindi na kami nag-aabot sa gabi? He had a late evening meeting with a Japanese investor."

"Kaninang umaga?"

Hindi na naman niyang mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. "Sabay kaming nag-breakfast pero... hindi naman na niya na-bring up ulit yung tanong niya kahapon."

"Ay," nanghihinayang na sabi nito. "But, wait! Why the smile?"

"Secret."

"Psh. Pa-secret-secret ka pa. If I know, you had a quickie and—"

"Sshh!" saway niya rito. "No, we didn't. Ikaw talaga. You always bring up about our sex life. Why don't get your own?" natatawang sabi niya.

"Magpapakasal muna ako."

"Pakasal ka kay Prince," she teased.

"The hell!" nagulantang na sabi nito. "Huwag mo nang babanggitin pangalan nung lalaking iyon. Medyo nakakainis, eh. Nasisira araw ko."

"Okay. Sabi mo, eh. Anyway, hindi pala ako makakapag-practice later ng piano after our 5 pm class."

"Huh? Bakit? Malapit na kaya ang presentation natin sa—"

"I know. I'll practice over the weekend naman. Kailangan ko lang talaga umuwi mamaya agad because I need to prepare pa. Birthday ngayon ng Papa ni Reeve. May little dinner celebration sa bahay nila Papa. My parents were going to be there also."

"Ah. Okay. Anyway, malapit na pasahan ng first part ng thesis natin sa adviser natin. Oh my! Two months na lang pala, tapos na ang first sem. Grabe, ang bilis ng mga araw!"

Wifely Duties - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon