CHAPTER TWENTY-EIGHT
AFTER WHAT happened the night during the drama club's reunion party, Agatha was so upset to go home at their own house. Kaya naman sa nakalipas na limang araw ay nanatili siya sa bahay ng kanyang mga magulang.
Nagulat pa ang Daddy at Mommy niya nang pag-uwi niya doon ng unang gabi. She was just crying and crying and don't want to talk about anything eventhough her parents were trying to talk with her.
For the past four days, she just spent her day inside her room. Her routine was just eating and sleeping. Tinanong na siya ng ina kung anong naging problema nila ni Reeve, ngunit sinabi niyang ayaw muna niya iyong pag-usapan.
Ngayong panlimang araw niya na sa kanilang bahay, naisipan niyang lumabas ng kuwarto at pumunta sa may swimming pool area. Umupo siya sa may gilid ng pool at nilublob ang dalawang paa doon. Naisipan niyang magmuni-muni sa araw na iyon.
Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa. Mula nang mag-away sila ni Reeve ay hindi nito sinubukang tawagan siya. Para sa kanya ay ayos na muna iyon. Siguro kailangan lang talaga nila ni Reeve na magpalamig muna ng mga ulo.
Lalo na siya. Dahil hindi niya maintindihan ang sarili niya ngayon.
She felt both the guilt and anger towards Reeve.
Guilt because of putting such a "test" on her husband. Pinaghinalaan niya ang pag-ibig sa kanya ng asawa. If she didn't turn off her phone, hindi naman mag-aalala ito. Hindi ito uuwi ng maaga at hindi sila nito paghihinalaan ng kapatid niya.
Iyon pa ang isang ikinagi-guilty niya. Ang paglilihim niya na kapatid niya si Johann. Ayaw lang naman niya na mabali ang pangako niya sa kapatid. Pero, kung alam lang ni Reeve ang totoo, hindi na maghihinala si Reeve ng ganoon.
Ngunit iyon din ang ikinagagalit niya sa asawa. Pa'no nito nagawang isipin na may gagawin siyang hindi maganda sa likod nito? Pa'no nitong nagawang isipin na ganoon kababa ang pagkatao niya? Nagsabi pa ito ng masasamang salita sa kanya. Nanatili pa itong tahimik at hindi makapagsalita nang tanungin niya ito kung nakikita lang ba nito si Lana sa kanya kaya siya minahal nito. Kaya nga, hindi niya na rin na-kontrol pa ang sarili at sinalubong ang galit nito kahit dapat ay nagpakahinahon siya at pinalinawagan ito.
But, she was hurt by his words... his accusations.
Sinasabi ng kabilang bahagi ng isip niya na dapat ay inintindi niya rin ang napagdaanan ni Reeve noon. Natakot lang talaga ito na baka muli na namang iwanan ito. Iyon lang naman ang problema sa asawa niya. Kahit gaano ito kasigurado at kagaling sa pagiging businessman, kahit gaano ito katikas tignan sa panlabas, sa loob-loob nito ay napupuno ng pangamba at takot ang puso nito sa larangan ng pag-ibig.
She heavily sighed. Sana mas inintindi na lang niya ang asawa. Nangako siya dito at sa sarili na patuloy itong iintindihin at hindi siya mapapagod. Hindi naman siguro totoo ang observation ng pinsan niyang si kuya Dylan. Base sa nangyari sa kanila ni Reeve nang gabi ng reunion party, narinig niya sa boses nito na tila nasasaktan ito sa kaalamang magkasama sila ni kuya Johann habang nag-aalala ito sa ibang bansa.
Maybe he hurted her, but she hurted him, as well.
Napabuntong-hininga na naman siya. She wanted to talk to Reeve and patch things up between them because that's what she's supposed to do, but, she wanted not to talk to him, also. Gusto niya ng makita ang asawa, pero, gusto niya ring hindi makita ito. Naiinis na talaga siya sa sarili niya dahil hindi niya na maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niya at hindi.
"Agatha?"
Napalingon siya at nakita ang kanyang Mommy.
"Mommy..."
BINABASA MO ANG
Wifely Duties - Published by PHR
RomanceAgatha would make Reeve fall for her. Eventhough, Reeve doesn't believe in love, she will try everything just to win his heart. At sa planong pagpapakasal sa kanila, she'll gladly give her wifely duties to him. Kahit hindi pa siya mahal nito...