CHAPTER TWELVE
Many, many years ago...
Limang taong gulang sina Reeve at Prince nang magkakilala sila sa playground nang village na parehas tinitirhan ng kanilang mga pamilya. Hindi nila alam kung paano sila nagkasundo. Basta ang alam lang nila, lagi silang nagkakasabay sa paglalaro dahil mag-bestfriends pala ang mga yaya nila.
"Reeve," tawag ni Prince sa kanya.
"Why?"tanong niya. Nilingon niya pa ito kahit gumagawa siya ng sandcastle sa sandbox.
"Friends na ba tayo?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
He shrugged. "Siguro. Lagi tayong sabay na naglalaro, eh."
Umupo ito sa tapat niya at tinulungan siyang gumawa ng sandcastle. "Sige, friends na lang tayo. Kasi, look at our yayas," tinuro nito ang yaya niya at yaya nito na nakaupo at nag-uusap sa isang bench."Friends sila. Kaya friends na rin tayo."
"Okay."
"Ano bang ginagawa kapag friends?"
"Sabi ni teacher, dapat daw naglalaro saka nag-uusap. Kaya nga friends ko lahat ng classmates ko kasi I play and talk with them."
Tumangu-tango ito. "Siguro sabi rin yan ng teacher ko."
"Eh, bakit di mo alam?"
"Di ako nakikinig, eh. It's boring!"
"Ay, doon ka na lang sa school ko, Prince. Kasi masaya doon. Maraming games saka magaling magturo si teacher. Hindi boring."
"Talaga? Sige, sasabihin ko kay Dad!"
After that school year, lumipat nga si Prince sa pre-school kung saan din nag-aaral si Reeve. They became the best buddies dahil araw-araw na silang nagkakasama, hindi lang tuwing play time nila sa park. Siguro, dahil na rin pareho silang only child. They found in each other the brother they don't have. Until gradeschool at highschool ay parehas pa rin sila ng school at lagi pang nasa iisang section.
Magkaibang-magkaiba sila ni Prince. Maloko at pilyo ang matalik na kaibigan. Habang siya ay more on the serious type. Kaya nga hindi nila alam kung bakit sobrang nagkakasundo sila. Maybe because, he keeps Prince sane while Prince makes him insane.
Katulad nang, hindi masyado seryoso si Prince sa pag-aaral pero tinutulungan ito ni Reeve para matutong mag-focus. Si Prince naman ang nagturo sa kanya to loose a bit. He's the super studious type, at tinutulungan siya ni Prince to not become a total nerd.
Then, highschool came. Prince was a total playboy, while Reeve took girls seriously.
"Ayan ang problema sa'yo, Monteverde. Kaya wala ka pang girlfriend, eh. Masyado kang picky. Hindi mo ba nakikita ang oh-so-many-pretty girls sa campus natin?They're drooling over us!" kuwelang sabi nito.
"Tss. Kung hindi naman tayo soccer players, hindi nila tayo papansinin."
"Hala ka. Anong hindi? Kahit siguro tahimik tayong naka-upo sa isang bangko, titilian pa rin tayo."
Binatukan niya ito. "Ang yabang mo," natatawang sabi niya.
"Nagsasabi lang ng totoo. Bakit panget ba tayo? Hindi naman, ah."
"Kaya naman you took that as an advantage para makapanloko ng mga babae. Unahin mo muna pag-aaral mo, Aguilar!"
"Opo, ama," biro nito. "Daig mo tatay ko. Siya nga proud sa dami ng girlfriends ko."
"So, totoo palang pinagsasabay-sabay mo sila?"
"Oy, hindi, ah. Mabilis lang ako magpalit ng girlfriend pero faithful ako kapag may girlfriend ako."
BINABASA MO ANG
Wifely Duties - Published by PHR
RomanceAgatha would make Reeve fall for her. Eventhough, Reeve doesn't believe in love, she will try everything just to win his heart. At sa planong pagpapakasal sa kanila, she'll gladly give her wifely duties to him. Kahit hindi pa siya mahal nito...