Chapter Eleven

391K 5.6K 285
                                    

CHAPTER ELEVEN

SINUBAYBAYAN ng tingin ni Reeve si Agatha habang papunta ito ng restroom. Nilingon pa siya nito at nginitian. A very sweet and innocent smile. Who would have thought that his wife with the most innocent smile can be far more innocent in bed?

Isang linggo na ang nakakalipas mula nag ikasal sila ni Agatha. He's right that his wife may be innocent and unexperienced but she's a very natural lover. The temptations she made yesterday really turned him on, big time.

Lihim siyang napangisi habang sinusundan pa rin ito ng tingin. Umiindayog ang balakang nito habang naglalakad. The dress she's wearing is far from sexy yet lovely. He can't wait to strip it from her.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at tatawagan sana ang kanyang executive secretary na si Rey. Hindi niya na siguro ito pupuntahan personally upang magbilin. He'll just call him. Ito na rin ang aatasan niyang mag-check sa buong Monteverde Hotel Cebu. He just felt excited about going to a beach resort with Agatha. Having her on the sand would be great.

"Reeve."

Napahinto siya sa akmang pagtawag sa secretary niya nang marinig niya ang boses na iyon. Hindi siya nag-aangat ng tingin at napahigpit ang hawak sa cellphone niya.

"What the hell are you doing in here?" he said, gritting his teeth. Pinipigilan niyang humalugpos ng galit habang nag-aangat ng tingin. Nakatayo ito sa tapat niya ngunit isang lamesa ang pagitan nila.

"We need to talk."

"I don't remember needing one, Mr. Aguilar," he coolly said. Nang makita niya ulit ang dating matalik na kaibigan, gusto na naman niya itong suntukin sa mukha.

Napabuntong-hininga ito. "Reeve, makinig ka sa'kin. Please, just this time. Para namang wala tayong pinagsamahan," kalmadong wika nito.

Sarkastikong napangisi siya. "Sana naisip mo 'yan bago mo ginawa ang ginawa mo, twelve years ago. Bakit kailangan nating mag-usap? Dahil ba hiwalay na kayo ni..." Napahinto siya.
Why the hell is it hard for him to say her name?

Umiling-iling ito. "May kailangan lang tayong pag-usapan. Lalake sa lalake. You have to know that—"

"Shut up!" he hissed. "Is it a coincidence or what? Nandito rin si L-Lana, right? Tapos nandito ka rin. She said hiwalay na kayo, so, why the hell the two of you are disturbing me? Ano? Hihingi ka rin ng tawad? The fuck!" pagtataas niya ng boses.

Naglilingunan na sa kanila ang ibang customers at guests. Pati ang mga waiters ay napapansin na sila at nakahanda nang mamagitan sakaling may pisikalang mangyari.

"Damn it! Bakit ayaw mong makinig? Hindi ka pa rin maka-move on kaya hindi mo kami mapatawad? Mahal mo pa si Lana? Nagagalit ka pa rin sa'kin kasi akala mong inagaw ko siya? Ayaw mong makita pa kami dahil akala mo gusto ka naming saktan nung mga panahong iyon? Fuck you, Monteverde! Sana kasi makinig ka sa'kin ngayon!" kalmado ngunit marahas na pagkakasabi nito.

Nagtagis ang kanyang bagang at kumuyom ang mga kamay. Napatayo siya at malakas na hinampas ang nakakuyom na kamay sa lamesa. Prince really knew how to hit his very core.

"Get lost!" nanggigigil na sigaw niya rito. Nanatili siya sa kinatatayuan habang mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay niya. He wanted to punch his ex-bestfriend's face.


Sabay na lumabas sina Agatha at Lana ng restroom.

"Get lost!"

Sabay silang napahinto ni Lana ng marinig ang malakas na sigaw na iyon. Nakita niyang nagtitinginan na rin ang ibang customers ng restaurant. Kumabog ang dibdib niya nang makita si Reeve na nakatayo at kumukuyom ang mga kamay. Galit na galit ang itsura nito habang may lalaki na nasa harap nito at parang mahinahon itong kinakausap. Likod lang ng lalaki ang nakikita niya.

Wifely Duties - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon