Chapter 18

98 6 0
                                    

Third Person's P.O.V




....examination day....





Maagang nagising si Gabi para mag luto nang breakfast ng fiancée niya..9:30 AM kase ang scheduled exam niya at ang oras na ngayon ay 6:30. Mas excited at kabado pa siya kesa sa mismong mag eexam eh.





"Arghhh! What the heck!" malakas niyang sigaw ng matalsikan siya ng mantika sa kamay. Dahil nga sa sobrang aligaga niya eh halos magkanda letche letche na ang umaga niya. Ganyan kase siya kapag kabado, hindi na maintindihan ang pinag gagagawa.






*ring!






"Oo! Gigisingin ko na!" malakas na sagot ni Gabi sa tawag ni Margaux. Kung mas may kabado kay Gabi, yun ay si Margaux. Kabado siya para kay Symone kase alam niyo na.





After ibaba ni Gabi ang tawag, pinatay naman niya muna ang stove bago siya pumasok sa kwarto nila. Lumundah siya sa kama para mas mabilis na magising ang dalaga.






"Bebe naman!!!!" malakas na reklamo ni Symone pero hindi nagpa tinag si Gabi at lumundah pa rin. Ito na nga ang dahilan ni Symone para tuluyan na bumangon sa kinahihigaan niya. Masama pa niyang tinignan si Gabi at tyaka niya ito binato ng unan.





"Breakfast is ready!! Start your day with positivity para maganda ang resulta ng exam!!" masayang sabi ni Gabi at tyaka niya hinalikan ang dalaga. "Maybe start your day with brushing your teeth para hindi bad breath! HAAHAHHAH!!" dahil sa sinabi niya, naka tanggap siya ng sapak mula sa dalaga. Agad naman tumayo si Symone at pumunta sa banyo. Nag ayos naman ng higaan si Gabi habang hinihintay si Sy.





"Kiss!" malakas na sigaw ni Symone kaya hinarap siya ni Gabi. "Mwaa!" syempre with sound effect yan sila. Malalandi mga yan eh.





Habang kumakain sila, hindi maiwasan ni Gabi ang hindi tumingin kay Sy. "Pang limang sulyap mo na yan. Anong gusto mong sabihin?" seryosong tanong ni Sy at natulala naman si Gabi dahil sa sinabi niya. "You're aware na tinitignan kita!?" gulat niyang tanong at tumango naman si Sy. "May mata ako sa noo! HAHAHAHA! Pero seryoso nga, why are you staring?"





"Kinakabahan lang ako sa exam mo bebe. Although alam kong kakayanin mo pero kinakabahan lang talaga ako ehh.." hinawakan ni Sy ang isang kamay ni Gabi at tyaka niya ito pinisil. "I got this, okay? Wag kana kabahan jan, ako nga chill lang dito eh. Alam mo namang I can work under pressure diba?"





"Kaya sayo ako eh! Galingan mo ah? Basta pumasa ka, okay na yun! Ikaw na rin mag dedesign sa future rest house natin!"





"Malamanng!! Ako talaga! Tapos ikaw naman susunod sa construction. Hay, I can already see the bright future for us, bebe. Ang layo ng mararating natin. Imaginen mo, malay natin soon magpa firm tayo diba? Hindi naman para kalabanin sila Amber pero you know? Aquino-Perez Construction Firm. Oh! Kabog! HAAHAHAHAHA!"





"Yes na yes bebe! Tutuparin natin yan lahat pero now, kain ka muna! Dapat marami kang baon na energy kase pag gutom ka, mahihirapan kang mag isip."




......




Nasa tapat na sila ng school kung saan sila mag eexam. Sa ngayon hindi pa bumababa si  Symone sa kotse ni Gabi dahil hinihintay niya yung mga kaibigan niya. "Bebe, yung pencils at eraser mo, kompleto ba? Water bottle at snack?" tanong ni Gabi na akala mo mag hahatid sa pre-schooler niya eh. "Yes, kompleto na lahat bebe. Good luck kiss mo nalang ang kulang." malanding sabi ni Sy at nag pout siya. Agad naman iyong ibinigay ni Gabi kaya malaki nanaman ang ngiti ng isa.





Midnight LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon