Prologue

468 9 1
                                    

Sobrang pagod na akong pumasok sa school. Nakakasawa na ang palaging ma bully at pag tawanan ng ibang students. Wala naman akong ginagawa sakanila? Ang gusto ko lang naman ay maka pag aral sa maganda unibersidad ng hindi na aapakan ang pagka tao ko dahil isa akong iskolar.


Oo, iskolar ako ng isang elite na unibersidad sa Maynila at sino nga ba ako para makapag aral dito? Sadyang talino at determinasyon nalang ang maiya alay ko dahil kapos naman kami sa pera.


"Gabi, are you listening to me?" kumaway sa harapan ko si Leah tapos tinuro niya yung librong hawak niya.


"Sorry, ano yun?" naka ngiti kong tanong sakanya pero inirapan lang ako.


"Never mind na gets ko na siya. Anyway, may session ba tayo bukas?"


"Ikaw kung wala kang gagawin?" tanong ko.


"Uhmm no I'm not free tomorrow kase birthday ni Shanel at makiki party ako. Gusto mo bang sumama? Though taga ibang school siya at baka hindi mo siya kilala..." naka ngiti niyang aya saakin. Well mabait rin naman talaga si Leah. Isa sya sa paborito kong tinututor dahil hindi sya gaanong hambog na gaya nung iba. Pero ang hindi niya alam ay kaibigan ko si Shanel at matagal na niya akong ininvite.. Hindi nga lang halata kase siya mayaman at ako hindi.


"Sige sure.." naka ngiti kong sabi at nginitian rin naman niya ako.


"Aray!"


May sumigaw sa bandang likuran namin kaya hindi ko napigilang ang sarili ko at tumingin sa likod.


"The fuck if wrong with you, biatch!? Pinagsigawan mo lang sa room yun tapos feeling mo ang cool mo na!? Baket? Sa ating dalawa, sino ba ang kinakama talaga ng hindi lang iisang professor?!"


"How dare you!!" akmang sasampalin niya yung babaeng kaaway niya pero napigilan siya niyo at inunahan ng sampal.


"Before you disgrace me or insult me in front of everybody--" tumingin siya sa lahat ng nanonood sakanila at binalikan ng tingin yung kaaway niya. "sana naman tignan mo muna yang itsura mo bago ka manira ng ibang tao na wala namang ginagawa sayo. Know your place girl, andito ako at andito ka." inaction niya yung sinabi niya at sinukat kung gaano kalayo ang agwat nila sa isa't isa.


Pagka tapos nung eksena sa cafeteria ay bumalik ako ng tingin kay Leah na ngayon naman ay ngumingiwi ngiwi.


"Baket?" tanong ko.


"Ang kapal ng mukha niyang banggain si Symone."


"Yung nanampal?"


"Yup, ni isa sa campus na ito walang nangahas na banggain si Symone Perez dahil alam nilang titig palang nito talo na sila. Kaya ikaw wag kang gagawa ng ikaka galit ni Symone dahil kung nangyare yun baka yun na katapusan ng kasiyahan mo.." babala nya saakin at bumalik sa pag babasa ng libro niya.


Ganon na ba talaga ka delikado banggain ang isang Symone Perez? It's my first time seeing her here sa cafeteria. No, it's really my first time to see her. Sa sobrang lawak ba naman ng campus na ito ay malamang madami pa akong ibang taong hindi nakikita. Well, kahit sino pa man siya hindi ko hahayaang ma apektuhan ako ng gulong maidudulot niya.

Midnight LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon