Chapter 22

111 4 1
                                    

Third Person's P.O.V




Kompleto ang lahat, maliban kay Gabi.. Payapa silang kumakain pero si Sy, hindi pa rin gaanong ginagalaw ang pagkain niya. Kaya naman si Aux at Mishi ay nag sisipaan ng paa sa ilalim ng table dahil parehas nilang pinapanood si Symone. Nag mamataan lang sila at nag tuturuan kung sino ang unang mag sasalita.





"Sy, kumusta pala ang work?" malambing na tanong ni Aux. Tinignan siya ni Sy at malaki ang ngiti niya. "Malapit na ulit mag bukas yung HK branch ko!!" malakas niyang sabi at nagsi ngitian naman ang lahat. "That's nice, Sy! Ibig sabihin ba nun eh hindi kana gaanong mag papa ka-stress?" tanong ni Shanel kaya sumama naman agad ang itsura ni Sy.




"Anong stress? Gaga! HHAAHHAHAHA! Hindi naman ako stress no pero marami lang iniisip. Huwag niyo akong problemahin!" naka ngiting sabi ni Sy pero hindi kumbinsido ang iba sakanya. "Ang problema ko ngayon, baket hindi mo ginagalaw yang pasta mo? Hindi ba favorite mo yan?" tanong ni Connor habang tinituro niya yung pagkaing nasa plato ni Sy.




"Hindi ko gusto yung timpla..." pag rarason ni Sy kaya naman mas sumama at itsura ni Connor ngayon. Malakas niyang hinampas ang mesa at napa tayo.




"Ikaw Symone nakakahalata na ako sayo ah! Favorite mong food ayaw mong kainin! Tapos hindi ka kumakain ng breakfast! Gusto mo na bang mamatay!? Ano? May sakit ka ba? May problema ka ba? Kung hindi mo sasabihin, hindi ka namin matutulungan!" galit na galit na sigaw ni Connor kaya naman napa kapit nalang si Amber sa braso niya para pakalmahin ito.




"Con, huwag mo siyang sigawan." mahinang sabi ni Shanel..





"Hindi..Tama si Connor, Sha.. Oo, may problema ako. Sobrang laki ng problema ko. H-hindi ko alam kung paano ako makakabawi kay G-Gabi sa sobrang laki ng kasalanan ko..." halos mautal niyang sabi at nagumpisa nang tumulo ang mga luha niya. Napa upo naman si Connor at pinag mamasdan lang si Sy. Pati ang iba natameme dahil sa sinabi ni Sy. Ano ba yang kasalanan mo?





"Sabihin mo, Sy. Susubukan ka naming intindihin. Ayaw naming nakikita kang ganyan. Kailangan namin ang dating ikaw, our bubbly little sunshine." kalmadong sabi ni Mishi. Tumango rin naman yung iba bilang suporta sa sinabi niya.





"Tinanggap ko ang offer ni dad." hindi siya tumingin sa mga kaibigan niya, kundi sa plato lang niya. Naguguluhan naman ang mga kaibigan niya.




"Anong offer? Yung pag ttrabaho ba sa company niya?" tanong ni Amber.




"No...."




"Then ano? Sabihin mo." atat na sabi ni Amber kaya tinignan na siya ni Symone.




"Lubog na sa utang si dad, 2-3 billion."





"WHATTTT!?!?!?" hindi maipinta ang mga itsura ng mga kaibigan niya ngayon. May naluluha, may nag tataka, ay nang lulumo, may naiinis, ah basta halo-halo.



"Wait!! Paano nangyare yun, Sy? Kakabili mo lang ng lupa last time and you said your dad gave you money. So, kanino galing yun? Sorry ah, medyo malabo kase." curious na tanong ni Margaux kaya napa hinga ng malalim si Sy bago muling nag salita.




"Akala ko pera niya...pero galing na pala yun sa company namin na iba na ang namamahala. Dahil sa utang niya, napilitan siyang ipag bili yung company namin to pay off his debt..Binigyan niya ako ng pera mula sa company and I spent it, making me look like a fucking theft."




"Magkano yun? Pwede kitang pahiraman muna, Sy. Lulusutan natin yang ibinibintang sayo." suhestiyon ni Amber. Kilala niyo naman yan, galante.




Midnight LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon