Gabrielle's P.O.V
"HAHHAAHAHHAA! SYMONEEE!!!!!" malakas na sigaw ni Webber.
Tama ang narinig niyo.. Well, tatlong araw ng andito sa condo si Symone at ang masasabi ko lang ay sobrang close na nila ni Webber. Para akong third wheel sa tuwing magkasama sila. Nakakahiya nga minsan ang makisawsaw sa usapan nila kase nasa ibang universe ang topic nila. Kayo ba naman ang makisawsaw sa ang usapan ay 'aliens and mermaids'.
"Anong gusto niyo for dinner?" tanong ko sakanila habang nag babatuhan sila ng pillow. Bro, I don't even know how they became this close. Yes you're compatible to each other but that doesn't mean na magiging best of friends kayo!? Oo tama kayo ng nabasa, Symone is eligible to donate for Webber.
"I want to cook." saad ni Symone kaya tinignan ko siya ng masama. "Really? In a wheelchair?" kunot noo kong tanong sakanya.
"Well, I can cook." sulpot naman ni Webber sa likuran ko at niyakap ang bewang ko. "But baby, you can't cook." mahina kong sabi sakanya kaya nag tawanan kami. Kami as in kaming tatlo. "Pwede naman akong i-guide ni Symone eh. Right Sy?"
"True the fire."
"Mag sama kayo! Make sure na edible yang lulutuin mo ah!! HAHHAAHAHA!"
All I know is that Webber is a bad cook but she loves to eat. Naging bonding time rin namin yun sa Cali dati. As much as she loves to cook, her timpla is always not giving. And as her girl, I still ate the foods she had prepared. Kaya hindi na kayo mag tataka kung baket malakas ang kalamnan ko. It's because I ate inedible foods! HAAHAHHAHA! But I love the effort, it's the thought that counts naman eh.
"Hoy Gabi! Mag hiwa kana raw!!"
At talagang idinamay niyo pa ako sa kalokohan niyo ah. Should I order us some pizza? Just in case hindi ko kayang malunok yung niluto nila. "Baket ako? Can't you chop the ingredients?!" reklamo ko kay Symone. "Bobo! Naka wheelchair nga ako diba!? Kung buhatin mo kaya ako para maabot ko yang counter!?"
"Oh distansya sis kami pa niyan!!" sigaw naman ng fiancée ko kaya nag tawanan nalang kaming lahat. Ewan ko nalang talaga dito sa set up namin! Para kaming throuple eh, I mean not like that but kinda like that.
"Fine, I'll chop the ingredients." I said kase wala naman na akong laban kung si Webber na ang nag utos eh. Masunurin kaya ako sakanya, mahal ko yan eh.
"Natikman mo na ba yung signature dish ni Gabi?" please naririnig kita Symone. Kahit mag bulungan pa kayo sa sala, naririnig ko kayo. "Yung torta or yung bicol express?"
"Hindi yan!! Yung binagoongang fried chicken niya!"
Gago! That's not my signature dish! That's one of my disastrous dish!! I can't believe na pinaalala pa niya yun! HAHAHAHAHAHAHH!
"Binagoongan? Bro, anong lasa nun!? Ano yun imbis na honey yung glinazed niya, bagoong?!" even my baby can't imagine the taste of my failed dish! HAHAAAHAH! Tama yan baby, wag mo na iimagine. Baka masira ang buhay mo.
"Omsim!!! Meron pa one time sinawsaw niya sa bagoong yung pastillas. Ewan ko sa taste buds ng babaeng yan pero ang weird ng food combos niya. Minsan nga iniisip ko na baka nag lilihi na yan pero grabe yung paglilihi na yun umabot siya ng taon."
Years had passed but she still remember those silly things that I did... Why do I feel this sudden ache in my chest...
"Hey, are you okay? Kanina pa kita pinag hiwa pero bawang palang nahihiwa mo? Were you listening to our conversation?" ni hindi ko manlang napansin na nasa tabi ko na pala si Webber.
BINABASA MO ANG
Midnight Love
FanficPwede bang magkasundo ang dalawang taong hindi maganda ang unang interaction sa isa't isa? Eh paano naman kung mahulog ang isa sakanila? Sasaluhin kaya siya? Malaking bagay ba talaga ang estado sa buhay para mag desisyon ang tao? Ikaw? Anong pipili...