Chapter 20

122 4 0
                                    

Gabrielle's P.O.V



"Gising na mga anak!!! Today is your first day sa studio!!" malakas na sigaw ang gumising saakin..Ughhhh, I think I just slept for 2 hours? Hindi pa ako adjusted sa kama ko at lalong lalo na sa weather. Hindi naman about sa jetlag ito kase malapit lang yung biyahe pero more on sa kama siguro. Syempre hindi ko amoy itong kama, hindi rin amoy ni Symone. Pero, pero! HAHAHAHHA! Sinuot ko sa pillow ko yung damit niya. Amoy Symone pero nangingibabaw pa rin yung bagong punda ng pillow kaya more pabango!!



"Good morning, Ms. Kath." mahina kong bati at napa upo. "Kath nalang, Gabi. Masyadong formal yang Ms. Kath! HAHAHAAHA! Sige na bumangon kana jan at samahan mo si Maymay na mag breakfast. May bibilhin lang ako sa labas, pag balik ko dapat ready na kayo."




"Okay po."



Lumabas ako sa kwarto at naabutan ko si Maymay na kumakain na talaga. "Aga mo namang bumangon?" tanong ko at naupo sa kasalungat niyang upuan. "Sana itanong mo muna kung nakatulog ba talaga ako...." nanghihina niyang sabi at napa tawa ako. Halata ngang wala siyang rest. Mukhang may aantukin sa studio mamaya ah HAHAHHAAH.



"Ano yang kinakain mo? May ganyan pa ba?" tanong ko at tinignan ang kinakain niya. "Oats lang teh..Wala akong energy para mag luto. Meron pa doon sa pantry, kuha kana lang."



Yes, ginagamay ko pa itong apartment ni Kath..Tinanong ko pa nga si May kung nasaan yung pantry eh...Hulaan niyo kung anong laman ng pantry niya....Ramens and canned goods! Please, tell me hindi ito ang kakainin namin palagi? Kase if oo, putek baka tumaba ako dito ng wala sa oras! I mean it's not healthy! Pinapagalitan ko si Sy pag kumakain siya ng junk foods tapos ako kakain ng ganito dito? Ano yun? Kinain ko mga salita ko? Very not me!



Habang kumakain ako, si May naman ay naligo na. Minessage ko naman si bebe dahil gusto kong may message agad ako pagka gising palang niya. 11pm na sila umuwi kagabi eh, andami raw kaseng mga hindi givig na fabrics. As in inisa isa nila, ganon siya ka hands-on sa business niya. My bebe is perfectionist...not too much but maybe a little?




"Girl, ikaw na. Adjust mo lang yung heater kapag masyadong malamig. Hindi kase ako sanay sa maligamgam eh."



"Sige sige." yun lang ang sinabi ko at pumasok na sa kwarto para kunin yung towel ko. Nga pala, baka nag tataka kayo kung baket ako susunod sa bathroom na pinang galingan niya? Iisa lang kase yung bathroom or comfort room dito sa apartment ni Kath. Hindi ko alam kung dito sa kanya lang yung ganon or ganito talaga sa mga Japanese apartments.



Putang ina! Ang OA naman sa lamig itong pinang ligo ni Maymay?! Dati ka bang taga Baguio or Tagaytay!? Ang lamig naman neto! Pero wait...Ano ba ang benefit ng cold baths? Meron ba? Sa tingin niyo ba sundin ko itong bathing technique niya? Baka nakaka boost ito ng energy? Sige, sundin ko nga.. Titiisin ko!!



"Aahhhhhhh...Potahhhhng enahhhhHhHhhH!!"



Ang lamig pare! Pero tiis ganda! Kayang-kaya ko ito! Naliligo nga ako sa tubig ulan eh! Malamig rin yun! Umiinom rin ako ng cold water kahit na umuulan! Kaya ko ito! Hindi ko na alam kung may logic ba sa sinasabi ko pero kinukumbinsi ko lang talaga ang sarili ko na kaya kong tiisin itong lamig!



"Gabrielle bilisan mo!! Narinig ko na yung kotse ni boss sa baba!"



Naging flash na ako sa sobrang bilis ng kilos ko. Within 5 miutes, tapos na rin akong mag bihis.. Make-up? Wag na! May hmua naman siguro sa studio diba? Meron ba? Hindi ako na sabihan about it eh!! Should I bring my own make-up just in case? Oo no? Dadala ako? Tangina nakakabaliw mag Japan, kinakausap ko sarili ko!!



Midnight LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon