Margaux's P.O.V
"Get in the fucking car, Gabi!"
I saw her sobbing which made me stepped outside my car. "Come on, Gabi. Get in. You also need to rest. Kakagaling mo lang sa flight, you're exhausted." I tried to calm her by patting her back.
"Aux..Need ko bumalik sa loob. Sa tingin ko nasaktan ko siya sa mga sinabi ko.."
"Gabi.... Ayan kana naman sa pagiging self less mo. It's her fault, okay? Hayaan mo na siya."
"But....But I love her, Aux. Naiintindihan mo naman ako diba? Hindi ko pwedeng ipa-ubaya siya sa ibang tao. Hindi ko nga kilala yung lalaking yun eh. Mabait ba yun? Paano kung nananakit siya ng babae? Paano kung bugbugin niya si Symone!?"
"Gabi....We'll talk about this tomorrow pero sa ngayon, umuwi na tayo."
"But this place is my home, Aux. Andito yung tahanan ko. Andito yung pahinga ko."
"GABRIELLE! HUWAG NANG MAKULIT!" natigilan siya sa pag iyak at tumango lang saakin. I opened the door for her and gently shut it nang makapasok na siya. It's gonna be a rough night.. Sigurado akong maririnig ko ang pag iyak nito mula sa kabilang kwarto..
Kalagitnaan ng biyahe, biglang may tumawag sakanya. Hindi maganda ang itsura niya lalo na nung narinig ko ang salitang "asap" mula sakanya.
"Sino yun?" tanong ko sakanya kaya napa hinga lang naman siya ng malalim. "Si Kath..Pinapabalik na ako sa Japan, ASAP."
"Huh? Eh kauuwi mo lang ah? Ano raw meron?"
"Japan Vogue wants to feature me for their September campaign."
"WHAT!?! Gabi, that's big! Baket parang hindi ka natutuwang ma fefeature ka!?" mas masaya pa ako kesa sa model eh.
"Mukha bang deserve ko mag celebrate or mag saya ngayon?? Yung taong dahilan ng pag momodel ko eh wala na saakin? Dapat ba akong mag saya, Aux?" her voice...She's shattered mentally and emotionally. God knows how much she loves Symone. Sadyang may pagka gago lang talaga yung babaeng yun.
"Kausapin mo siya bukas, pag pareho na kayong sober. Baka pwede mo pa siyang paki-usapan." kahit galit ako kay Sy syempre gusto ko pa rin na kahit papaano eh maayos sila. Kahit hindi na romantically, kahit magkaibigan nalang. I know ang cliché pero duh they started out as friends. Ano bang mahirap sa maging mature kayo pareho? Joke, okay, ibang usapan ang sitwasyon nila kase Sy is pregnant and obviously hindi siya nag iisip. Pero ewan, they are still my friends, so I lowkey want them to stay connected.
"Sa tingin mo ba babalik pa siya saakin?"
"Patunayan mo sakanya na may ibubuga ka, Gabi. Na hindi na niya kailangan ng ibang tao para tulungan siya kase andyan kana. Ang payo ko lang sayo, grab as much opportunity as you can, make a noise sa fashion world hanggang sa sila na ang mag-agawan sayo. Once you're at the top, doon niya ma rerealize kung sino ang sinayang niya. Ipakita mo sakanya kung sino ka at kung anong kaya mong gawin para sakanya..Use this as a motivation. Malay natin they'll divorce soon."
"Paano yung bata?"
"Kaya mo bang tanggapin yung bata?" pangungumpirma ko sakanya at bahagya itong tumango. "They you have your answer.."
BINABASA MO ANG
Midnight Love
FanfictionPwede bang magkasundo ang dalawang taong hindi maganda ang unang interaction sa isa't isa? Eh paano naman kung mahulog ang isa sakanila? Sasaluhin kaya siya? Malaking bagay ba talaga ang estado sa buhay para mag desisyon ang tao? Ikaw? Anong pipili...