Gabrielle's P. O. V
Hindi pa rin nagbabago ang kundisyon ni Webber. Umaga palang pero nilalagnat nanaman siya.. Mabuti nalang at pinag grocery ko si Mishi kaya may naluto akong pagkain para sakanya. When she's sick, hindi niya kayang kumain ng solid foods. Kahit nga sabaw minsan hindi niya kayang ipa-loob eh. Pero syempre pinipilit ko siya kase kailangan niyang kumain bago siya uminom ng gamot niya..
"Baby, tinawagan ako ni Jacob at ang sabi niya bukas raw natin makikilala yung donor. At tyaka if hindi compatible yung donor sayo, pwede tayong humanap ng iba. Ang naiisip ko eh baka pwedeng maging donor yung iba natin friends. Babayaran nalang natin sila para hindi nila ibinigay ang kidney nila ng libre." suhestiyon ko sakanya pero natahimik lang siya. Nabitawan rin niya yung kutsarang hawak hawak niya.
"Baby, wag na natin silang abalahin.. Sure akong may ibang tao pa tayong mahahanap basta wag na sila. Nakakahiya kase at tyaka hindi naman nila ako kilala masyado para donatean nila ako ng kidney."
"Ang kaibigan ko ay kaibigan mo, baby. Kung hindi man sila mag donate, edi baka may kilala silang willing. Or may mga organization silang alam. May mga connection naman yun sigurado ako."
No, hindi ako sigurado pero desperado na akong mabigyan ng bagong kidney ang fiancée ko. Kung pwede lang talagang ibigay ko ang akin, ibibigay ko kahit silang dalawa pa.
"Let's just pray na compatible kami ng donor na nahanap ni Jacob." mahinahon niyang sabi tyaka naman ako tumango. Tama siya, sa ganitong panahon mapapadasal talaga ako kahit ilang santo pa yan.
*ring!
*ring!
"Hmm? Hindi mo ba sasagutin yan?" tanong niya saakin habang humihigop sa sabaw niya. "Hmm.. Si Mishi lang naman eh, hindi naman yan emergency."
"Eh paano kung emergency?"
"Baby, kung emergency yan dapat andito na siya sa condo ngayon."
"Hay nako..Just answer the phone." seryoso niyang sabi saakin kaya naman napa buntong hininga nalang ako at sinagot ang tawag ni Mishi.
"PUTANG INA MO KANINA PA AKO TUMATAWAG!! BAKET HINDI KA SUMASAGOT!??! SI SYMONE SINUGOD SA HOSPITAL!!"
"Huh!? What happened!?"
"TANGINA MO EH SA KUNG PUMUNTA KANA LANG DITO!?!"
"Walang kasama si Webber. I can't leave her alone."
"Ako na bahala! Basta pumunta ka dito at mukhang may huling habilin!"
*call ended
Anong huling habilin ang pinag sasabi nung gagong ito!? Mamamatay na ba si Symone!?
"Baby? Anong sabi ni Mishi?" bakas sa mga mata ni Webber ang pag aalala. "Nasa hospital raw si Symone and may sasabihin raw saakin. Okay lang ba kung puntahan ko siya saglit? Huwag kang mag alala kase pupunta si Mishi dito para bantayan ka. I'll be quick, I promise."
"Go baby. Kung importante naman yan, go."
Hinintay ko ang pag dating ni Mishi bago ako tuluyan na pumunta sa hospital. Mabuti nalang at malapit lang sa condo ko ang hospital kaya agad akong naka rating doon.
BINABASA MO ANG
Midnight Love
FanfictionPwede bang magkasundo ang dalawang taong hindi maganda ang unang interaction sa isa't isa? Eh paano naman kung mahulog ang isa sakanila? Sasaluhin kaya siya? Malaking bagay ba talaga ang estado sa buhay para mag desisyon ang tao? Ikaw? Anong pipili...