Mishitoni's P.O.V
....3 months later....
Huwag niyo akong kausapin!! Huwag talaga!!! Hindi niyo naman ako sinabihan na maarte sa pagkain si Symone!? Sabi ni Gabi saakin kinakain niya lahat pero baket hindi niya kinakain ang niluluto ko!? Sa tingin ba niya nilalason ko siya!? Excuse me! May kasunduan kami ni Gabi, no! Kahit gusto kitang lasunin diko gagawin yun kase mahal ka ng kaibigan ko!
"Symone! Kain na kase! Anong gusto mo subuan kita?!" malakasan kong sigaw sa labas ng pinto niya. Tatlong buwan simula nung umalis si Gabi pero nag-iibang anyo na si Symone. Nag iibang anyo like anooo,,, mainitin ulo at tyaka palaging wala sa condo. Malamang may trabaho? AHAHAHAHAHAH! Ahh basta tuwing gabi lang naman sila nakakapag-usap ni Gabi.. Buhay ldr na talaga sila, same sa akin, ldr kay Connor. Taena kase eh, di ako maka move on na sila ni Amber ay may something..
"Symone! Hoy! Mag aalas otso na, malalate na ako sa trabaho! Need pa kitang picturan na kumakain ka! Magagalit boss ko!!" kinatok ko ulit ang pinto niya at iniiikot ang door knob.
Finally..
"Anong niluto mo?" walang gana niyang tanong saakin kaya umusog naman ako at binigyan siya ng daan.. "Tapsilog.." sagot ko habang sumusunod ako sakanya sa pag lakad patungo sa dining table. "Ayoko. Wala akong gana kumain." sabi niya at tyaka kumagat lang siya apple na naka lagay sa mesa.
"Yan lang kakainin mo? Teh, isang linggo ka ng ganyan!! Hindi ko na kayang mag recycle ng pictures ah!!" pag babanta ko sakanya.
"Edi sabihin mo ang totoo sakanya na hindi ako kumakain? Baket ba kase kailangan mong mag sinungaling sakanya?"
"At ano nalang ang sasabihin niya sakin, aber? Na hindi kita inaalagaan dito? Mamaya umuwi yun ng wala sa oras dahil sa inaasta mo eh."
"Edi umuwi siya! Mas mabuti nga kung umuwi siya eh.."
"Alam mo ikaw, hindi kita maintindihan. Hindi ko alam kung totoo bang suportado ka sa ginagawa niya or napipilitan ka lang. Diretsohin mo nga ako, Sy. Ano ba talaga ang gusto mong mangyare?"
"Ang gusto ko? Ang gusto ko lang tantanan na ako ng tatay ko. Gusto ko umuwi na si bebe dito kase hindi ko na kaya lahat... Pagod na pagod na ako, Mishi." hala ka jan, umagang umaga nag ccry siya!! Taena wag niyo akong isusumbong!!
Lumapit ako sakanya at hinimas ang likuran niya.."Sorry napa-iyak tuloy kita..Ano ba pwede kong gawin para pagaanin pakiramdam mo?"
"Wala...Si bebe lang ang gusto ko."
"Eh kauuwi mo lang galing Japan ah? Hindi niyo ba sinulit yung oras na magkasama kayo?" seryoso, isang linggo rin siya doon eh. Pero syempre nangungulila si gaga.
"Kung pwede nga lang hindi na ako umuwi eh...Siya lang talaga takbuhan ko sa lahat."
"Andito rin naman ako, teh. Mapag kakatiwalaan mo rin naman ako sa lahat ng bagay. Oo mabunganga ako pero alam ko naman mag tago ng sikreto. Di nga kita binubuking kay Gabi na hindi ka nag bbreakfast eh."
"Ang babaw lang naman niyan kumpara sa itinatago ko eh.. Hay, basta wag mo na akong problemahin. Basta sabihin mo kay bebe na okay lang ako dito. Hindi niya ako kailangan problemahin."
"Ay teh, ako, ako prinoproblema kita. Hindi ko pa rin kase magets baket wala kang gana kumain. Masarap naman akong mag luto, kahit si Shanel nagustuhan ang luto ko. So baket ikaw ayaw mo? Kumakain ka naman noon ah."
BINABASA MO ANG
Midnight Love
FanfictionPwede bang magkasundo ang dalawang taong hindi maganda ang unang interaction sa isa't isa? Eh paano naman kung mahulog ang isa sakanila? Sasaluhin kaya siya? Malaking bagay ba talaga ang estado sa buhay para mag desisyon ang tao? Ikaw? Anong pipili...