Chapter 28

92 6 0
                                    

Gabrielle's P. O. V





Was still in shock dahil sa nangyare sa may shore kanina. Hindi ko ineexpect na ksy Sy yung mga batang iyon pero I'm kind of happy to see her and her kids. Simula kanina, pa tuloy kong chinicheck si Web. Ayokong mag overthink siya sa mga bagay bagay. As much as possible, gusto kong iassure siya na wala siyang dapat ika bahala kase for me past is past.





Andito kami ngayon sa reception at kung hindi nga naman talaga gago ang tadhana, katapat ba naman namin sa table sila Symone..





"Syco... Behave ka lang anak. Baka magalit si tita ninang mo sa kakulitan mo."





Pabulong na sabi ni Sy sa anak niya pero rinig na rinig ko yun dahil nga malapit lang ang agwat namin sa isa't isa.





"Mmmilk, mom." saad naman ng isa niya pang anak.





"Wait lang Syler, ubos na yung milk na dinala ko."





I felt a soft hand touched my skin underneath the table. I turned my head to the side and saw Webber with concerning eyes. "Do you need help, Symone?" nagulat ako sa tanong ng girlfriend ko. Alam kong matulungin siya pero hindi ko ineexpect na gusto niyang tulungan ang ex ko.





"Okay lang ba?" tanong ni Sy kay Web. Tumango lang si Webber at tyaka nangiti naman si Sy. "Uhmm.. Pwede pa-bantay muna si Syco? Kukunin ko lang yung gatas nila sa hotel room."





"Iwan mo na rin si Syler para hindi kana mag buhat."





"Eh kanino ko siya iiwan?"





"Ito oh si Gabi. Mahilig rin naman ito sa bata."





Nagka titigan lang kami ni Symone hanggang sa tumango nalang ako. Ewan ko ba sa girlfriend ko. Nag seselos ba siya or genuine care ito? Kase minsan may era siya na toyoin siya eh. Alam niyo yung opposite sa sinabi niya yung dapat mong gawin. Tapos kung slow ka, malamang mali yung magagawa mo tapos mag aaway kayo.





"Syler and Syco kina tita muna kayo ah? Kunin lang ni mommy yung milk niyo."





Damn, ang bigat pala ng bata. Medyo worried ako kay Webber dahil kandong niya ngayon si Syler. Di hamak na mas malusog siya kesa sa kapatid niya. Ayoko pa namang nag bubuhat ng mabibigat si Webber. Ayoko rin kaseng napapagod siya kaagad. Medyo maselan ang kundisyon niya eh...





"Mga bruha kayo!! Kailan pa kayo naging babysitters ah!?!?" saad ni Shanel habang nag tatable hopping siya. "Ahhh.. Hinihelp lang namin si Symone mukhang nahihirapan kaseng alagaan yung dalawang bata eh." sabi naman ni Web.





"Ay sinabi mo pa!! Akalain mo yun, ang yaman ng asawa niya pero ayaw siyang bigyan ng nanny!! Imaginen niyo yan ah, kambal yan tapos ayaw bigyan ng katulong! Gago talaga yung lalaking yun eh."





"Shanel! Naririnig ng bata ang sinasabi mo." seryosong sabi ni Webber at nakita kong tinakpan niya ang tenga ni Syler. Sorry Syco, di ako updated na tatakpan dapat ang tenga ng bata kapag may nag mumura. Ako na agad ang may kasalanan if mag mumura ka soon tapos ang first mura mo ay gago...





"Sorry..Pero seryoso nga kase!! Alam niyo rin bang walang kasambahay yang sila Symone? Imaginen niyo ah 2 storey yung bahay nila pero wala silang helper?? Siya lang rin ang nag luluto and on top of that, siya pa nag aalaga sa mga bata!"





"Wait, eh paano yung business niya?" tanong ko naman. At dahil naging interested ako, napa upo tuloy si Shanel sa seat ni Symone at tumingin siya saamin..





Midnight LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon