Chapter 19

110 4 0
                                    

....the night before Gabrielle's flight....





Naka-upo ang magka-sintahan sa may buhangin at parehas nilang pinapanood ang kalmadong alon ng dagat...




"Walang ganito sa Japan." mahinang sabi ni Sy.. "Walang ganito kase wala ka doon, bebe." malambing na sabi ni Gabi at mas inilapit niya ang katawan sa nobya niya...




"Ayokong umiyak kase alam kong mag kikita pa naman tayo at dadalawin kita doon every two months. Hindi ako papayag na hindi kita makakasama."




"Woahh! Every two months? Ang yaman naman talaga ng fiancée ko ohh! Pa kiss nga ako!"




"Heh! Seryoso nga! Kung pwede nga lang every week, gagawin ko eh!"




"Okay na yung every two months bebe.. Mahirap rin maiwanan yung shop tapos walang ibang mag babantay... Nga pala, yung bilin ko sayo ah? Mga vitamins mo itake mo palagi. At tyaka wag ka masyadong mag iinom kasama si Mishi. Malakas uminom yun, ayokong magigising ka kinabukasan na may hangover. Kung iinom siya, hayaan mo nalang kase broken hearted eh."




"Gago rin talaga si Connor. Ni hindi manlang na banggit saakin na pinopormahan niya si Amber. Naawa tuloy ako kay Mishi, patay na patay pa naman yun doon."




"Kaya nga eh pero mabuti na rin at hindi sila nagkatuluyan kase mukhang mahihirapan si Mishi kay Connor. Tama lang na si Amber at Connor ang nagkatuluyan kase magka-ugali sila."




"Hindi namann!"




"Weh?"





"Sige, 20%! HAHHAHAHAHA!! Oh ikaw! Baka may mahanap kang ibang sa Japan ah? Mga models na kasama mo doon sabihin mo lahat name saakin. Ipapa hunting ko sila once na landiin ka!!"




"Eto ang oa?!"




"Anong oa doon?! Eh ang ganda-ganda mo kaya! Maka balita lang ako na may umaaligid sayo doon! Ay sinasabi ko na sayo Gabrielle Aquino!"




"HAHAAHAHHAH! kalma lang bebe ko! I love you. Ikaw lang ang laman neto.."




"Hmp! I love you!"




"ANG LALANDI!!!"




"EXCUSE ME!!"




Malakas na mga sigaw ang narinig ng dalawang mag nobya. Mga sigaw dahil mukhang may mga naka sunod sakanila dito sa special place nila.




"Tangina! Hindi niyo ba alam ang privacy!?" reklamo ni Symone ng biglang umupo ang iba sa harapan nila. Open forum?!




"Privacy? Ambisyosa talaga! Tignan mong andito kayo sa public space!" sigaw naman ni Mishi.




"Syempre hindi kami papayag na umalis si Gabo ng hindi kami nakikipag one on one talk sakanya. Andami kayang naiambag niyan sa college life natin." sabi naman ni Shanel. Naka palibot sila ngayon, parang open forum na talaga ang atake.




"Una na ako....Gabrielle, kilala na kita simula elem tayo and hindi ka talaga nag bago. Humble ka pa rin at matulungin. Alam nating napaka laking bagay yan para sa pag angat mo sa buhay. Sana mabilhan mo ako ng sapatos doon size 8.5 lang naman ako."




"Tangina! Akala ko seryoso na eh! Gusto mo lang pala magpa bili ng sapatos! AHHAHAHAHAHA!" tumatawang sabi ni Gabi at hinampas si Shanel.




"Ako naman!!" sabi ni Mishi at nag taas ng kamay. "Ano teh! Malaking tulong ka sa college life ko! Siguro kung wala ka, hindi rin ako makakapasa sa course natin. Hindi dahil sa tinuturuan mo ako, kundi dahil pinapakopya mo ako!! Labyu teh!"




Midnight LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon