Chapter 1

263 4 2
                                    

Christmas is her favorite time of the year. Bukod sa mga regalong natatanggap niya, mataas din ang sales ng boutique nila.

Lav28 is doing well for three years already. Ka sosyo niya ang kapatid na si Greyham.

Engineer ang Kuya niya at wala namang ibang pinaglalaanan ng pera. Kahit love life nga ay wala kaya walang jowa na pagkaka gastusan.

May humintong motor sa tapat ng boutique at napairap na lamang siya nang makilala ang driver nito.

Masisira na naman ang araw niya.

Tinanggal ni Blue ang helmet at sinabit sa motor. Pag pasok nito sa boutique niya ay tumunog ang wind chimes.

"Ano na namang masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" Umismid pa siya at tinungo ang sofa na nasa gilid.

Ngumiti nang nakakaloko si Blue. "I miss you, too."

Kumindat pa ang gago kaya lalo siyang napikon.

"Ayon sa horoscope ko today, malas daw sa negosyo ang pulis."

Lumapit si Blue at naupo sa tabi niya. Pasimple niyang sinipat ang suot nitong black cargo shorts at hapit na hapit na white t-shirt.

Naamoy niya din ang pabango nito na parang amoy baby.

Sumilay ulit ang nakakaloko nitong ngiti.

"Naniniwala ka naman? Alam mo din bang ang horoscope ko ngayon ay suswertehin daw ako pag may napikon na babaeng 5'8" ang height tapos naka puting crop top at pekpek short."

Sinipat ni Blue ang suot niya habang nagsasalita.

Napatingin tuloy siya sa maong short niya.

Aba't bwisit talaga ang gago!

Tinaasan niya ito ng kilay. "Excuse me, hindi 'to pekpek short!"

"Eh, ano? Panty?"

Susuntukin niya na sana si Blue nang lumayo ito sa kanya at tumayo habang natatawa.

"Aalis ka o tatawag ako ng pulis?" Nakapamaywang na wika niya.

Itinaas nito ang dalawang kamay at halatang nagpipigil ng tawa.

"Andito na ako, sino pa bang pulis ang tatawagan mo?"

"Tang ina mong Asul ka! Why are you even here?!" Tinungo niya ang maliit na mesa at kinuha ang baso.

Pumunta siya sa likod na bahagi ng boutique at kumuha ng tubig sa water dispenser. Naubos niya agad ang isang basong tubig.

Mabuti na lang at wala nang customer. Na high blood na naman siya sa kausap niya.

Sumunod pala ito at inagaw ang baso sa kanya. Kumuha din ito ng tubig at tinitigan siya habang umiinom.

Parang biglang nag slow motion ang tingin niya dito. Ang bawat lunok ng tubig at galaw ng Adam's apple ay nakaka tulala.

Fuck!

She mentally shook her head and looked away. Bigla atang uminit sa paligid niya.

Nilapag nito ang baso sa ibabaw ng dispenser at tiningnan siya.

"I'm looking for a Christmas gift para kay Red." Seryosong wika nito.

Napakamot pa sa batok si Blue.

She sighed and went back to the sofa. Madilim na sa labas. Sumunod ulit si Blue pero nanatiling nakatayo sa gilid niya.

"Oh, tapos? Wala ditong pang baby."

"Kay Red nga, hindi para sa baby niya. Lutang ka ba?"

Ang hinayupak na 'to!

My Favorite Trouble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon