Chapter 15

61 2 0
                                    

She felt energized after a whole body massage yesterday. She also had her nails done at nakapag hair treatment na din.

She felt confident now to face JM. Nag effort siyang magpaganda kahit ang agenda niya ay bastedin ito.

Isang red colored off shoulder dress ang suot niya and partnered it with a silver stilettos.

Hindi na siya nag effort mag make up at jewelry. Only her favorite silver watch at red lipstick.

Nakalugay lang ang buhok niya dahil sayang naman ang treatment kung itatali niya.

Her phone beeped. Blue texted her. Nasa Manila ito para sa isang confidential meeting. Bukas din ang balik nito sa DelaRosa.

Alam ni Blue na ngayon sila mag uusap ni JM. Hindi ito mapakali dahil mag isa siyang haharap kay JM at malamang ay nagseselos na naman.

Nag bilin itong mag text siya pag nasa restaurant na at mag text din kung pauwi na.

He even requested kung pwede bang sa ibang araw na sila mag usap ni JM. Nahiya naman siya mag reschedule dahil busy din na tao si JM.

May narinig siyang busina ng kotse. She sprayed some perfume before going out of her room.

Nakauwi na si Manang Rosie. Nasa kusina naman ang Kuya niya at kumakain.

"Hoy, Shamus. Alis muna ako." Sigaw niya sa kapatid.

Hindi niya naunawaan ang sagot nito dahil mabilis na siyang lumabas ng bahay.

Seryoso si JM habang naka sandal sa sasakyan nito. He's wearing a light blue polo, naka tucked in sa black pants nito at naka itim na sapatos.

Pogi!

He kissed her cheeks nang makalapit siya at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse. Binalewala niya ang halik na iyon. Sa pisngi lang naman.

Sa restaurant na sana sila magkikita but he insisted na susunduin siya sa bahay nila.

The drive to the restaurant was uneventful.

JM held her waist possessively habang papasok sa restaurant hanggang sa pina reserve nilang pwesto.

A waiter asked for their order.

Nang makaalis ang waiter ay tsaka pa lang sila nag usap ni JM.

"So, how's your day? Busy ba palagi?" She asked JM.

Ipinatong niya ang mga kamay sa mesa at tumuwid ng upo. Ang dalang pouch ay nilagay niya sa gilid ng mesa.

"Yep. I had three flights today. It's draining me. So, I hope you have some good news, Lav." He said.

Ang mukha nito ay walang bahid ng ngiti. Halata niya rin ang pagod nito.

"Sorry, mahirap mag reschedule eh. Magiging busy na din ako next week. Maraming order para sa mga kandidata ng Binibining DelaRosa."

He raised a brow. "Well, about that... I think I heard Dad saying you'll be one of the judges."

Tumaas din ang kilay niya.

"Totoo? Naku, parang hindi naman ata appropriate na mag judge ako. Sila Kuya Greyham at Greynald ang laging nakukuha mag judge eh."

Nakakatawa nga dahil yung mga gago na yun, seryoso pag nag ju-judge.

Feeling talented pa ang mga ito kung maka comment sa contestants.

Nagkibit ng balikat si JM.

"Well, in my own opinion, you're fit to be a judge."

My Favorite Trouble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon