Chapter 29

66 2 0
                                    

Nagising siya na may dextrose at may nurse na nagmo-monitor ng blood pressure niya.

She scanned the room.

Mabilis na lumapit sa kanya si Greyham at Kahel.

Greynald remained seated while seriously looking at her.

Lumabas ang nurse para tawagin ang doktor.

"Si Blue?"

She panicked when she remembered what happened.

"Relax. Are you okay now? May... masakit ba sa'yo?" Kahel asked.

Hinaplos niya ang tiyan.

"Do you need anything?" Her brother asked.

"I'm... pregnant." She whispered.

Nagkatinginan si Kahel at Greyham. Tuluyan namang tumayo si Greynald at lumapit sa kanila.

"How's my... baby?" Tanong niya kay Kahel. "Where's Gordon Blue? Hindi ko pa nasasabi sa kanya eh. I was going to surprise him. Where is Blue?"

Lumapit sa kanya si Kahel at hinaplos ang kamay niya.

"Lia..." Kahel said.

Hindi natuloy ang sasabihin nito dahil pumasok si Blue na may arm sling sa kaliwang braso.

"Love..." She cried when she saw him.

"Labas muna kami." Paalam ng kapatid niya at marahang tinapik si Blue sa balikat.

Tumango naman si Blue at hinila ang upuan palapit sa gilid ng higaan niya.

Naupo ito at hinawakan ng kanang kamay ang tiyan niya.

"I'm pregnant..." She told him with a small smile on her face.

Blue looked at her face for a while and sighed deeply.

"You were pregnant." Blue said with bloodshot eyes.

"Were? Anong... anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong niya.

Kumuyom ang kamao nitong humahaplos sa tiyan niya.

"We... lost our baby." Wika ni Blue at tumulo na ang luhang kanina pa nito pinipigilan.

Shock was an understatement.

Parang namanhid ang buong katawan niya sa narinig at sunod sunod na tumulo ang mga luha niya.

Mahigpit na hinawakan ni Blue ang kamay niya habang pareho silang umiiyak.

"H-how? I don't believe you." Umiling iling siya. "You can't be serious."

"You lost too much blood. The doctor confirmed the miscarriage."

Napayuko siya at hinaplos ang tiyan.

She suddenly felt empty.

Tuloy tuloy lang ang daloy ng luha niya.

"That fucking asshole will pay for this. Hindi ako papayag na hindi siya makulong." Mariin na wika ni Blue.

"I'm sorry. I'm so sorry... d-dapat mas nag ingat ako para hindi napahamak yung baby natin. Kasalanan ko yung nangyari eh. Kasalanan ko lahat ng 'to." She felt guilty.

Pinunasan ni Blue ang pisngi niya.

"Shhh... it's not your fault. Lia... wala kang kasalanan sa nangyari, okay? I'm sorry that I came a bit late."

"Hindi. Kasalanan ko lahat ng 'to. Kung hindi ko siya inentertain noon, hindi sana tayo napahamak ngayon. Sorry... I'm so sorry for causing you all this trouble." Lumakas ang iyak niya.

My Favorite Trouble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon