Chapter 7

51 2 0
                                    

She went home early. Alas singko pa lang ay sinarado na niya ang boutique. Hindi na siya makapag trabaho ng maayos simula umalis si Blue.

Ugh! Leche!

She took a cold shower and changed into a simple white halter top and mini skirt.

Napaawang ang bibig niya nang makita ang sarili sa salamin!

Oh... no!

He left a mark on her neck!

Hinawi niya ang buhok papunta sa kaliwa at tinitigan ng mabuti ang bahagi ng leeg niya na namumula.

Naalala na naman niya ang init ng labi nito kanina. Mabilis na uminit ang pisngi niya.

This is her first love bite!

At si Blue pa ang may gawa!

Arghhh!

Bwisit!

Hinayaan niyang nakalugay ang buhok at bahagyang tinabunan ang bahagi ng leeg niyang kinagat ng impakto.

Pumunta na siya sa kusina at naabutan na nagluluto si Manang Rosie. Stay out lang ito at umuuwi pag tapos nang magluto ng hapunan nila.

Kumuha siya ng pineapple juice na nasa ref at nag lagay sa baso.

"Ano pong niluluto mo Manang?" Naupo siya at nilagok ang juice.

"Kaldereta. May ipapaluto ka pa bang iba? Napaaga ata uwi mo Lia." Usisa nito habang hinahalo ang niluluto.

"Ah... fries po sana. Wala pa po ba si Kuya?" Nilingon niya si Manang Rosie.

Binuksan nito ang ref at kumuha ng isang balot na fries.

"Maaga din umuwi eh pero umalis agad. May lakad siguro. Narinig ko nga tinawag na babe yung kausap."

Kumunot ang noo niya.

Babe?

"Sigurado po ba kayo Manang?" Paniniguro niya.

Abala na ito sa pag babad ng fries. Frozen pa kasi.

"Oo. May nobya na ba ang kapatid mo?" Nakapamaywang na tanong nito.

Marites mode na si Manang Rosie.

Nilaro laro niya ang hawak na baso. "Ewan ko nga po. Di ko sigurado kung nobya... o nobyo."

Binabagabag pa rin siya sa mga pagdududa niya dito at kay Blue.

Kung hindi bakla si Bughaw gaya ng sabi nito... posible bang ang kapatid niya ang... may tinatagong sikreto sa pagkatao nito?

"Sus maryosep Lia! Anong ibig mong sabihin?" Manang Rosie sounded so shocked.

Napa sign of the cross pa ito.

"Eh kasi po... wala po ba kayong napapansin na... kakaiba kay Kuya? O di kaya kay Blue?"

She finally voiced out the thought that's been bothering her for a while now.

"Maryosep ka talagang bata ka! Ano bang pinagsasabi mo?"

Manang looked intrigued.

Napakamot siya sa ulo. "Yun nga Manang. Sa tingin niyo po ba may... relasyon yung dalawa?"

Hininaan nito ang kalan at muling humarap sa kanya.

"Ano bang basehan mo para masabi mo yan, ha? Naku, ikaw talaga. Lalaking lalaki ang kapatid mo! Mas lalo naman si Godo!" Tukoy nito kay Blue.

"Eh bakit po lagi silang magkatabi matulog pag nalalasing? Tapos nakita ko yung wallpaper ni Bughaw, picture ni Kuya. Tsaka Manang... mukha silang malambing sa isa't isa." She frowned.

My Favorite Trouble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon