Chapter 24

53 2 0
                                    

Alas cuatro pa lang ng madaling araw ay gising na ang katabi niya.

Nag pu-push ups si Blue.

Inaantok pa siya kaya natulog ulit siya. Blue woke her up around six am.

Nakaligo na ito kaya nagmadali na rin siyang maligo.

Wala pa siyang toiletries kaya bibili siya mamaya. Ginamit niya muna ang sabon nito at shampoo.

She wore a blue green tank top and white maong shorts partnered with her new black gladiator sandals.

Bitbit ang itim na shoulder bag ay bumaba na siya para mag almusal.

"Good morning, gorgeous." Blue greeted her with a kiss.

Naupo siya at nilapag nito ang kape sa harap niya.

Nag sandok din si Blue ng kanin at nilagyan ng hotdogs at sunny side up egg ang plato niya.

"Thank you, Chief. Ang effort." She sipped her coffee.

Blue winked at her.

Naupo na ito sa katapat niyang upuan at kumain na din ng kanin.

"How's your sleep?" Tanong ni Blue.

Ibinaba niya ang tasa at tinusok ng tinidor ang hotdog.

"Fine. Medyo... naninibago lang. Ang init sa kwarto mo." Di niya napigilang mag reklamo.

"May katabi ka kasing hot." Swabeng sagot ni Blue sa kanya.

She pursed her lips.

Ang aga aga, mahangin na.

"Sinuotan mo kasi ako ng damit. Ayoko nga ng may damit pag natutulog 'di ba? Tapos nakayakap ka pa."

"Naka todo nga yung air-con. Baka malamigan ka."

"May comforter naman eh."

Umingos si Blue at hindi na umimik. Pinagpatuloy nito ang pagkain.

"Natawagan ko na pala assistant ko. Late naman ang abiso ko kaya baka mga nine na daw siya makapasok." She said and looked at Blue.

Nanatili itong nakatutok sa pagkain.

"I still have to check your boutique. Baka may ginawa din dun nang hindi pa natin alam. I forgot to mention it yesterday."

Tumango siya sa sinabi nito. Nakalimutan niya din isipin ang bagay na yun.

Baka nga pati ang boutique niya ay nadamay na naman.

Huwag naman sana.

"By the way, why did you... answer the call last night?" She asked.

Nag angat ito ng tingin sa kanya. "What call?"

Maang maangan ang gago.

"You know... JM called. Sinagot mo di ba?"

Ibinaba nito ang hawak na kubyertos at tumingin ng seryoso sa kanya.

"First of all, I want you to change your number. Second, unfollow him. Third, don't talk to him kung sakaling puntahan ka sa boutique." He said without breaking eye contact.

Sasagot sana siya nang magsalita ulit ito.

"And to answer your question, oo sinagot ko yung tawag niya. Gusto kong marinig niya yung ungol mo. Gusto kong isipin niya na ako lang ang pwedeng gumawa nun sa'yo." Kalmadong wika ni Blue.

Her eyes squinted at him.

"You're such a freak!" Gigil na wika niya.

"Yeah. A freak in bed!" Mayabang na sagot nito.

My Favorite Trouble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon