Chapter 17

58 2 0
                                    

She finally finished the black collection!

Kaaalis lang nung tauhan ni Mayor at may mga kasamahan ito para kunin lahat ng inorder.

May inabot din itong cheke para sa kabuuang bayad.

Labis ang pasasalamat ng mga ito sa gawa niya. Mukha daw pang National Pageant ang mga disenyo.

She felt overwhelmed sa mga papuri sa pinaghirapan niyang disenyo.

Naging busy siya hanggang weekend kaya nawala wala na din sa isipan niya ang nangyaring insidente.

Hindi na nag kwento si Blue sa kanya tungkol sa progress nung nangyari dahil baka ma stress lang daw siya.

Hindi na rin siya nag usisa dahil nga busy siya at ngayon lang talaga nakapag pahinga.

Malapit na ang fiesta!

May all star game ngayon ng basketball at kasali si Blue kaya manonood siya.

Alas singko daw ang start ng game. Alas cuatro y media pa lang naman. May time pa siya para mag ayos.

Kinuha niya sa bag ang dalang extrang damit. Kabilin bilinan ni Blue ay huwag siyang pupunta sa plaza ng naka crop top.

Isang plain sleeveless romper na kulay light blue ang isinuot niya. Naka white platform sandals siya.

She retouched her make up at nag spray ng pabango.

Tumawag si Blue nung paalis na siya.

"Nag reserve ako ng upuan mo. Dito sa team namin. Ayokong nasa malayo ka, baka mawalan ako ng gana."

"Yabang nito. Hindi ka naman magaling."

Umismid siya at binuksan na ang sasakyan niya.

"Hay naku... wala ka pa rin bang bilib sa'kin?" Pagyayabang ni Blue.

"Wala. Puro ka lang naman kayabangan 'no!"

"O sige, pustahan tayo. Kung makailang shoot ako mamaya..."

Binitin nito ang sasabihin.

"Kung makailang shoot ka, ano? Tutuwad na ako, ganun?"

"Gusto ko yang naiisip mo. Pero lagyan natin ng twist. Kung makailang shoot ako, ganun din karami na rounds..."

"Napaka yabang. Pa'no kung maka isang shoot ka lang?"

"Eh 'di isang round pero mga tatlong oras na yun. Baka mahimatay ka na sa sarap ko."

"Eh 'di wow, Gordon Blue!"

Humalakhak ito ng nakakaloko.

Pinatay na niya ang tawag at nagmaneho patungo sa plaza. Hindi naman siya nahirapan mag parking dahil konti lang ang may dalang kotse. Karamihan kasi ay motor.

Nakita siya agad ni Blue kaya kumaway ito. Lumapit siya sa pwesto ng team nito at naupo.

Naghiyawan ang teammates nito nang makaupo na siya.

Ngumiti lang siya.

Hindi niya naman close ang mga chararat na kakampi ni Blue.

"Yung usapan natin ah. Bawal mag back out."

Paniniguro pa nito sa kanya. Parang bata!

She rolled her eyes.

"Huwag kang magyabang. Baka ma zero ka lang."

Binigay nito ang cellphone sa kanya.

"Hold my phone. I-video mo din ako tapos post mo sa story mo. Para naman kunwari sweet na jowa ka."

My Favorite Trouble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon