Simula nang may namagitan sa kanila ni Blue ay hindi na siya mapakali tuwing lumalapit ito.
The mind blowing sex was unforgettable and gave her sleepless nights.
Katakot takot na kantiyaw din ang inabot niya kay Red at Ella noong Holy Week dahil nakita nito ang mga bakas ng kagat ni Blue.
Patay malisya lang ang gagong Bughaw.
Red even asked her kung sila na daw ba ni Blue. Sinagot niya naman ito ng hindi niya alam.
Hindi naman porke't nag sex na sila ay boyfriend na niya si Blue.
Ayon naman kay Red ay hindi na kailangan ng label, ang mahalaga daw ay may mutual understanding sila.
Medyo late siyang nag bukas sa boutique ngayon. Kahapon kasi ay umuwi ang parents nila at nagkaroon ng mini party sa bahay nila.
Hindi niya inaasahan na pupunta si Blue. May dala itong cute na rabbit na nasa kulungan. Purong puti ang kulay nito.
Easter gift daw nito sa kanya ang kuneho. May dala din itong feeds para sa rabbit at isang basket ng assorted na damo na hindi niya alam kung saan nito kinuha.
Kahit natatawa siya ay na appreciate niya ang bigay nito. Wala namang problema sa mag aalaga dahil nasa bahay naman si Manang Rosie.
They named it Milky because of it's white color.
Nag inventory muna siya habang nagkakape. Medyo sakto lang ang benta ngayon dahil wala namang okasyon. Pero sa nalalapit na fiesta ay sigurado siyang tataas ang sales nila.
Nag ring ang cellphone niya na nasa dalang shoulder bag. Binuksan niya ang bag at kinuha ang cellphone.
JM is calling.
She immediately felt guilty.
Malinaw naman na si Blue talaga ang gusto niya.
Matinding pag hanga lang ang nararamdaman niya kay JM because... he's a pilot.
Pero gwapo naman talaga ito kaso mas gwapo si Blue.
Inamin niya din sa sarili. Mas gwapo yung tukmol na pulis pangkalawakan.
Alam niya naman sa sarili niya na si Blue ang gugustuhin niyang maging nobyo.
Kahit lagi silang nagbabangayan at madalas siyang napipikon ay gusto niya ito.
Pinipigilan niya lang noon ang sarili na lumalim ang pagkagusto niya dahil nga ang buong akala niya ay si Red ang gusto nito at nung kalaunan ay si Greyham naman.
She answered the call. Huminga muna siya ng malalim.
"Hello. Good morning." She said and bit her lower lip.
"How's your vacation?" He asked in a strained voice.
Nakakapanibago.
"Ah... okay naman. I had fun. Nakapag relax din ako tsaka nawili sa pamangkin ko." Pinaglaruan niya sa daliri ang hawak na ball pen.
"Yeah. I saw your post. You're with that policeman, right? You sure he's not courting you, Lav?" Hindi nag bago ang tono ng boses nito.
Tumawa siya para mawala ang kaba. Pakiramdam niya ay nasa hot seat siya.
Baka nasabi na niya ang totoo kung kaharap niya ito.
She wants to tell him the truth.
Kaso hindi niya alam kung pa'no ito i re-reject ng hindi ito masasaktan o ma o-offend.
"No. We're just... friends. Tsaka nauna naman siya pumunta dun kasi nga bff niya yung pinsan ko di ba? Nag inuman lang kami kasama yung kasambahay ni Red."
BINABASA MO ANG
My Favorite Trouble (COMPLETED)
General FictionLila Alcantara is a stubborn woman, a fashionista, and a sucker for pilots. One day, a hot pilot named JM Ramirez came into her life and became her suitor. But her cousin's best friend PO2 Blue del Barrio suddenly declared that he'll also court her...