Chapter 19

55 2 0
                                    

Punuan na ang plaza nang makarating sila.

Itinuro ni Greyham ang uupuan niya na VIP section at nasa likod lang ng mga judge.

Pupunta daw muna itong backstage.

Effort ang kapatid niya, nag black suit pa talaga from Lav28.

Parang judge lang ng Pilipinas Got Talent.

Dumiretso na siya sa kanyang upuan. Sumaludo sa kanya si Blue nang makita siya kanina sa entrance ng plaza.

Papansin lang.

Nasisilaw siya sa ilaw na nasa stage pero namamangha siya sa stage decoration.

Ang ganda at sosyal tingnan.

Nag upgrade ang DelaRosa, in fairness. Marami sigurong budget ngayon.

Nabibingi siya sa lakas ng speakers dahil malapit lang ito sa pwesto niya. Isang pop song ang tinutugtog.

Nag vibrate ang cellphone sa shoulder bag na dala niya. She swiftly opened it.

There's a message from Blue.

Baby Blue: Baka ma pulmonya ka naman niyang backless mo. May leather jacket ako dito.

She automatically rolled her eyes.

Hay, naku.

Hindi siya nag reply at ibinalik ang phone sa bag.

She made her own little black bodycon dress inspired from the black collection that she made.

Backless nga ito hanggang sa baywang niya banda at sa harap naman ay medyo kita ang cleavage at may butas sa bandang pusod niya.

Above the knee ang haba nito at tinernuhan niya ng kanyang silver pumps.

Naka high ponytail ang buhok niya at nag effort din siyang mag make up to achieve the sophisticated look.

The lights dimmed at nag umpisa na ang program.

The national anthem played after the doxology.

May bakanteng upuan pa sa tabi niya na para kay Blue sana. Naramdaman niyang may umupo dito.

A familiar scent invaded her nostrils.

Marahas siyang lumingon sa kanan niya kasabay ng pag bukas ng mga ilaw.

She gasped when she saw JM.

He's smirking at her.

Naka black polo shirt ito at white pants.

She haven't seen him since the last time they talked to each other.

Parang may nagbago sa hitsura nito, hindi niya lang matukoy kung ano.

"Hey, gorgeous. Nice seeing you here." He greeted her.

Alanganin siyang ngumiti kay JM. "Nice seeing you, too." Tipid na wika niya.

"It's been a while. How are you?" He's starting a conversation.

It would be rude to just ignore him kaya sumasagot naman siya sa mga tanong nito.

Ang kapatid niya na nasa unahan lang nila ay lumingon sa kanya at matalim na tiningnan ang katabi niya.

Hindi naman pinansin ni JM si Greyham at patuloy lang sa pakikipag usap sa kanya.

The emcee announced the judges one by one.

Pumapalakpak naman siya kahit wala na dun ang focus niya.

Dahil sa kadaldalan ng katabi niya ay hindi na niya maintindihan ang mga nangyayari sa stage.

My Favorite Trouble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon