Chapter 27

63 2 0
                                    

It's still early in the morning pero nasa boutique na siya.

She drove her own car.

Nag dahilan na lang siya kay Blue na marami siyang pending na trabaho kaya inagahan niya para hindi siya nito masundo.

"Asan ka na ba?" She called Kahel.

Nasa kitchen siya ng boutique at nagtitimpla ng kape.

"My God, Lila. Kagigising ko lang." Kahel groaned on the other line.

Lumabas na siya sa kitchen at naupo sa sofa. Nilapag niya ang tasa sa mesa.

"Hoy, Kia Helaena. Don't tell me may hangover ka na naman?"

"Eh di hindi ko sasabihin. Give me an hour, I'll be there." Kahel groaned again.

"Scam yang an hour mo Te. Maligo ka na tapos dito ka na magkape."

"Sa Midnight Coffee ako o-order ng kape. Wait ka lang diyan. Magpapahatid ako kay Kuya."

"Sosyal. Ibili mo nga ako ng blueberry cheesecake dun ha. Tawagan mo si Red, baka sakaling ilibre tayo."

"Alright. See yah." Kahel ended the call.

Tumunog ang wind chimes.

Vina entered the boutique with a smile.

"Good morning po. Ang aga niyo ata Ma'am." Puna nito sa kanya.

Ang cute nito tingnan sa plain white top at floral pleated mini skirt. She's taller with her four inches pink T-strap heels.

"Yeah. Good morning din. Nag kape ka na ba?"

"Ah, opo." Nilapag nito ang dalang shoulder bag sa cashier area.

"Siyangapala, may gagawin ka ba bukas?"

Nagsimula na itong mag ayos ng mga display na nasa mannequins.

Lumingon ito sa kanya.

"Day off ko po bukas eh. May raket ako sa Sta. Rosa Ma'am."

Sta. Rosa is another municipality next to DelaRosa.

"What if... sa akin ka muna mag raket? May ipapaayos ako bukas eh. Di ba marunong ka naman mag ayos?"

"Ano po bang aayusin? Baka kotse niyo Ma'am ah, hindi po ako mekaniko." Vina tried to joke.

Natawa siya ng bahagya sa sinabi nito.

"Hindi. Birthday kasi bukas ni Blue. Balak namin siyang i-surprise sa resort ni Kuya Green. Bale, magpapatulong ako mag ayos dun sa venue."

Sila ni Kahel ang mag pa-plano sa handa kaya inimbitahan niya itong pumunta dito sa boutique.

"Mga anong oras po ba Ma'am?"

"Gabi naman yung surprise party. Pero umaga mag start na dun mag ayos. May ibang staff naman dun na tutulong sa'yo. Don't worry, I'll pay you double since day off mo naman sana."

"Ah, sige po. G ako Ma'am. Tatanggihan ko na lang muna yung pupuntahan ko bukas. Sayang din yung double pay." Nakangiti na wika ni Vina.

Napangiti na din siya.

"Alright. Salamat. You can join us bukas ng gabi. Huwag ka na umuwi. May guesthouse naman dun eh."

"Naku, nakakahiya naman po."

"Para ka namang others. Sige na, kami kami lang naman magpipinsan."

Alanganin pa itong ngumiti sa kanya.

"Eh di sige po. Pero baka umuwi din po ako bago mag hatinggabi."

She nodded and sipped her coffee.

She saw her brother's car parked next to hers. Naka simangot itong lumabas ng kotse.

My Favorite Trouble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon