Chapter 18

51 2 0
                                    

Today is the coronation of Binibining DelaRosa.

Hindi nga nagkamali si JM noon. She's really invited as a judge pero magalang siyang tumanggi.

In the end, it was her brother Greyham who replaced her.

She heard the sound of Blue's Wrangler.

Her forehead creased and looked at the wall clock.

Alas tres pa lang naman. Ang usapan nila ay magsusundo ito mamayang seven pm.

Nakahiga siya sa sofa at nanonood na naman ng Pearl Harbor.

She still love pilots. Navy pilots.

Ang hot lang talaga ni Josh Hartnett nang mag palipad na ng eroplano habang inaatake ng mga Japanese.

"Mas hot ako diyan." Bungad ni Blue.

She turned off the tv. Kakantiyawan na naman siya nito kay Josh.

Napaupo siya at sinuri ang bitbit nitong... rabbit?

"Ano yan? Another rabbit?" She asked.

Naupo sa tabi niya si Blue at nilapag ang bitbit na cage.

He kissed her lips and gave her a side hug.

She smiled.

Aww. Sweet.

"Hindi yan rabbit. It's a cat, humaba lang tainga." Ngumisi si Blue.

Binabawi na niya yung sweet!

"Eh 'di meow!" Umasim ang mukha niya.

"Kidding." Nilapit nito ang cage sa kanya. "This is Choco. Napansin ko kasing in heat si Milky kaya hinanapan ko ng partner."

Choco is a gray colored rabbit.

Ang cute cute din nito tingnan.

Her lips curled. "Buti pa yung rabbit, napansin mong in heat."

His eyes slowly went to her.

"Are you saying that you're in heat right now?" Blue asked indulgently.

Umiling siya.

"Hindi 'no. Dalhin na natin kay Milky para makagawa na sila ng babies." She said excitedly.

Blue smirked. "Dalhin din kita sa kwarto. Gawa din tayo ng babies."

She smiled without humor.

"Alam mo, mas in heat ka pa sa rabbit!" Wika niya kay Blue.

Malapad itong ngumiti sa kanya.

"Well, can't deny it. Lalo na pag may katabi akong naka crop top tapos pekpek short. Ang bilis tumigas ng-"

Binatukan niya si Blue bago pa man matapos ang sasabihin.

"Napaka bastos talaga! Marinig ka ni Kuya at Manang, gago ka!" Pinandilatan niya ito.

Nasa garden sa likod si Manang Rosie at nasa kwarto naman ang kapatid niya.

"Ah... sorry naman, love. Andito pala si Kuya! Anong ginagawa niya?"

"Kuya mo mukha mo. Ewan ko ba dun. Baka busy mag rehearse ng mga i-co-comment niya mamaya sa pageant."

Sabay silang tumawa ni Blue.

Tumayo na siya at kinuha ang cage. "Halika na nga. Pakainin na natin si Choco. Baka gutom na 'to."

"Baka pakainin niya si Milky ng ano... mga fifteen times." Tumayo na din si Blue.

Napawi ang ngiti niya.

Masisiraan talaga siya ng bait sa gagong kasama niya.

Pumunta sila sa likod ng bahay. Nandun nakalagay ang kulungan ni Milky.

My Favorite Trouble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon