Chapter 4

72 2 0
                                    

Sobrang nag enjoy siya sa naging bakasyon nila kasama si Red at ang madaldal nitong kasambahay na si Ella.

Nasa airport na silang mag pipinsan pauwi sa DelaRosa.

Hirap na hirap siya sa bagahe niya kaya hinablot ito ni Blue at binitbit sa kaliwang kamay.

May hangover pa silang lahat. Nilabas niya ulit yung walwal cards kagabi at nagkatuwaan habang nag iinuman.

Lasing na lasing si Ella at Greynald na napag tripan nila pareho kagabi.

Magkatabi sila ni Bughaw sa upuan. Sa unahan naman nila si Kahel at Greyham. Sa likod nila banda si Greynald.

"Nakakatuwa si Ella 'no? Gustong gusto ko vibes niya. Grabe, kabaliktaran ng bad vibes na galing sa'yo." She taunted.

Blue looked at her. "Yeah. I agree with you. Gusto ko din vibes niya. Sarap kasama eh, 'di tulad mo."

Mabilis niya itong kinurot sa tagiliran.

"Aray! Magsabi ka lang kung gusto mong hawakan abs ko."

Hinaplos nito ang tagiliran at ngumuso.

"Kapal! Di ako interesado sa non-existent abs mo!"

She gave him an annoyed look.

"Sus. Kunwari ka pa. Sigurado ako binilang mo kung ilan." Blue chuckled.

Ang yabang na naman!

"Hay... kapal kapal talaga. Kuya, palit nga tayo. Tabi kami ni Kahel." Reklamo niya.

"Shut up." Saway ng masungit na kapatid niya.

Magrereklamo pa sana siya ng magsalita na ang flight attendant.

"Ladies and gentlemen, all cellular telephones and other portable electronic devices..."

She fastened her seatbelt. God, she hates traveling with a fucking hangover!

"Good morning ladies and gentlemen. This is your Captain Jyan Marko Ramirez. Welcome aboard to VR airlines flight CJ4807."

Huh? Omg!

It's JM!

"I'd also like to say hi to Ms. Lia Alcantara. Merry Christmas, Lav!"

May sinabi pa ito pero di na niya naintindihan. Nag hiyawan naman ang ibang pasahero.

Mayabang siyang tumingin kay Blue.

"Tangina! Narinig mo yun? Sheeetttt!" She sighed dreamily.

Nakakahiya! Baka isipin pa ng mga tao "love" yung ibig sabihin ni JM.

"Sus, kinikilig ka na ng lagay na 'yan?" Tiningnan siya ng masama ni Blue.

"Of course! Sino namang hindi kikiligin?" She giggled.

Nag blush pa nga siya.

"Di nga smooth yan sa landing. Tingnan natin mamaya. Aalog alog 'to." Blue said.

"Kahit ano pa sabihin mo, basta kinikilig ako! Huwag kang panira ng moment!"

She rolled her eyes and glanced at the window.

"Nag Merry Christmas lang kinilig na. Napaka cheap Labandera." Blue murmured with a hint of annoyance.

"Palibhasa walang nag greet sa'yo. Inggitero." Sagot niya.

He only snorted as a response.

Hindi na rin siya umimik at ipinikit na lang ang mga mata. Ang sakit sakit pa naman ng ulo niya.

Naramdaman niya ang pag hatak ni Blue sa ulo niya at isinandal sa balikat nito.

Di na siya nag protesta at nakatulog na.

My Favorite Trouble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon