She wore a yellow knitted tube top partnered with black maong shorts and white shoes.
Nanghiram siya ng blower kay Red at nilugay lang ang buhok.
She applied lip tint at nag spray ng pabango. Kinuha niya ang pouch na may lamang wallet at cellphone.
She went out of the room at tinanong si Red kung ano ang ipapabili nito.
"I'll just send you the list." May inabot itong cash sa kanya at isang suki card.
"Parang baliw. Huwag na, sagot ko na 'to. Minsan lang naman eh." Ibinalik niya ang cash at card.
"Eh di sige. Di ako tatanggi sa libre." Nakangiti nitong binalik ang cash sa wallet.
Tumalikod na siya at binalingan si Blue na titig na titig sa kanya.
"Ella, may ipapabili ka ba?" Sigaw niya para marinig nito ng maayos.
"Jowa po Ma'am. Ibili niyo ako ng jowa ha." Sigaw nito pabalik.
Narinig niya ang tawa nito.
She chuckled. "Baliw!"
Lumabas na siya at tahimik na nakasunod si Blue.
Pag pasok sa elevator ay nagsalita ito at titig na titig sa kanya.
"Hindi talaga bagay sa'yo ganyang damit. Kakabagin ka niyan." He commented.
"Kung naiinggit ka, mag tube top ka din." Nag uumpisa na naman mang-asar ang gago.
He slowly moved closer and held her waist.
She stilled when she felt his large warm hand on her exposed skin.
"Ayoko lang na may ibang naaakit sa'yo bukod sa'kin." He whispered sensually at inamoy amoy nito ang buhok niya.
Nagsitayuan ang balahibo niya sa ginawa nito.
Ano daw?
Tama ba narinig niya?
Naaakit sa kanya si Blue?
Sinasapian ata si Gordon Blue. Kung ano ano pinagsasabi.
Before she could react, the elevator door opened.
He removed his hand and they walked out of the elevator.
Nakaramdam siya ng lamig nang mawala na ang kamay nito na nakahawak sa baywang niya.
Pasipol sipol ito habang papasok sila sa Hypermarket.
Si Blue na ang kumuha sa cart at mabilis lang niyang pinag dadampot ang mga nasa listahan na sinend ni Red pati ang mga items na gusto niyang bilhin.
Bumili din siya ng limang kilo ng chicken wings. Magpapaluto siya ng pulutan kay Ella.
Naunahan siya ni Blue na magbayad sa cashier.
Hindi na siya nakipagtalo.
Mahigit ten thousand din ang inabot ng bill nila.
Bahala siya maubusan ng pera!
Matapos mag bayad sa cashier ay lumabas na sila pabalik sa elevator. Si Blue ang nag bitbit ng lahat na pinamili nila.
Yung bote ng tequila lang ang hawak niya.
Iyak ni Ulan ang narinig niya pag pasok sa condo. Nasa sala ito at karga ni Red.
Dumiretso sa kusina si Blue at nilagay sa mesa ang mga pinamili.
Ibinaba niya sa coffee table ang hawak na bote at nag hand sanitizer bago kinuha kay Red ang pamangkin.
"Nagpa bakuna kasi kaya medyo bugnutin." Wika ni Red.
BINABASA MO ANG
My Favorite Trouble (COMPLETED)
General FictionLila Alcantara is a stubborn woman, a fashionista, and a sucker for pilots. One day, a hot pilot named JM Ramirez came into her life and became her suitor. But her cousin's best friend PO2 Blue del Barrio suddenly declared that he'll also court her...