Chapter 8

55 2 0
                                    

She took a day off. May kinukuha siyang assistant 'pag pakiramdam niya ay sobrang pagod siya o di kaya ay may importante siyang lakad.

Napagod siya ng husto nung nakaraang Valentine's day sa dami ng nag order ng suit at gown sa boutique nila.

May kinuha pa siyang taga deliver para sa ibang customer na nag order online.

Ngayon lang siya nagkaroon ng time mag pahinga. Wala tuloy siyang time makipag date nung araw mismo ng mga puso. Busy ang mga manliligaw niya.

Mga? Duh? As if naman seryosong manliligaw yung isa!

Hmp!

JM sent her a box of imported chocolates and a very large bouquet of red roses with a simple Happy Valentine's Day greeting.

Siniguro niya muna na galing ito mismo kay JM bago siya nagpa salamat at nag post sa story niya.

Syempre hindi nagpatalo yung tukmol na pulis. Isang katamtaman na laki ng karton ng assorted na chocolates ang pinadala nito sa boutique at may isang tangkay na red rose.

Imbes na kiligin ay napikon siya sa nakalagay na mensahe sa karton.

Sumakit sana ngipin mo pag naubos mo 'to.

-Manliligaw mong pogi na may abs

Napaka yabang talaga!

Lumabas siya ng kwarto at nakitang nag aalmusal ang kapatid niya kasabay si Manang Rosie.

"Good morning madlang pips! Ang sarap ng may day off!" She sighed dramatically.

"Mag almusal ka na Lia. Nagluto ako ng sinangag, sayang naman yung tira niyong kanin kagabi." Anyaya ni Manang Rosie.

"Yung isa kasi diyan, hindi nag dinner. Nakipag date na naman." She rolled her eyes towards Greyham.

Nag timpla siya ng kape at kumuha ng toasted bread. Naupo siya sa tabi ni Manang Rosie.

"What date?" Tanong ng kapatid niya.

Nonchalant ang peg.

Ngumuso siya. "Date. Di mo ba alam yung meaning nun? Duh?"

Nakita niyang hinatid ni Blue ang kapatid niya. Lasing ito kagabi at tawa ng tawa.

"Whatever." Sabi nito at pinagpatuloy ang pagkain.

"Maiwan ko na kayo. Maglalaba na ako." Tumayo na si Manang at niligpit ang pinag kainan.

Bitbit nito ang isang tasa ng kape.

"Kumusta naman lakad niyo kagabi ng jowa mo?" She taunted.

"Anong jowa? Have you lost your mind?" Greyham's forehead creased.

Nilunok muna nito ang kinakain bago humigop ng kape.

"Sus, deny pa. Di ba jowa-jowaan mo si Blue? Napaka landi niyo! Kagabi nga naka yakap ka na naman!" She sipped her coffee, too.

Naibuga ni Greyham ang iniinom na kape.

"What the?! Puting puti 'tong tube top ko Shamus! Arghhh! I hate you!" Natalsikan ng kape ang damit niya.

"Seriously? Si Gordon, jowa ko? You're impossible, Lia!" Sunod sunod ang iling ng kapatid niya.

Hindi pa rin siya kumbinsido kaya kinulit niya ito.

"Nahuhuli ko kayong sweet minsan ah. Tsaka yung message niyo sa isa't isa. May I love you pa. Parang tanga!" She keeps on rolling her eyes.

Napahilamos sa mukha ang kapatid niya. "I shouldn't be explaining this to you..."

My Favorite Trouble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon