Chapter 25

55 2 0
                                    

"Manong Jeff! We missed you!" Sigaw niya habang papalapit kay Manong.

Nasa airport sila at mukhang naiinip na si Manong.

Na delay ng isang oras ang flight nila dahil late daw ang piloto.

Hindi na siya nag react nang malaman na si JM ang piloto.

Baka magalit na naman yung feeling pogi na kasama niya.

"Hindi ka miss ni Manong." Wika ni Blue.

Bitbit nito ang bag nilang dalawa.

Si Greynald naman ay bitbit ang gamit nito at ni Kahel.

Ang kapatid niya ay isang maleta ang dala. Andun na din kasi pati mga pasalubong at regalo nila.

Binyag ni Ulan ngayon at invited silang lahat.

Nagkataon naman na holiday kaya sama sama silang lahat.

Ewan niya lang sa kasama niyang pulis kung pa'no nakakalusot sa duty.

Magalang silang bumati kay Manong at tinungo na ang naka paradang SUV.

Sa tabi ni Manong si Greyham.

Sa likod sila ni Blue at sa pinaka likod naman ang Kuya Green niya at si Kahel.

"Diretso na tayo sa simbahan. Andun na kasi silang lahat." Wika ni Manong.

Nag chat si Red na naka ready na daw sila. Andun ang Tito Rio at Tita Andrea niya.

Nandun din ang mga magulang nila ni Greyham pati ang parents ni Green at Kahel.

"Gutom na ako." Wika niya kay Blue.

"Wala namang bago." Kapatid niya ang sumagot.

"Manong, may lechon po ba?" Tanong niya kay Manong Jeff.

"Meron ata. Sa rooftop ng condo ang handaan." Sagot ni Manong.

"Yey!" She squealed.

Sumimangot ang katabi niya. "Basta pagkain talaga."

Kahel laughed. "Ako, basta may alak... okay na ako."

"Alcoholic." Greynald scoffed.

"Workaholic." Sagot ni Kahel sa kapatid.

"Shut up." Naiiritang wika ni Green sa kapatid.

"Shut up sa walang love life." Panunukso ni Kahel.

"Kia." Green said in a warning tone.

"Mamaya ka sa'kin Greynald James." Kahel said at mukhang may binabalak itong masama sa kapatid.

Tumawa lang sila habang nakikinig sa dalawa.

Nag retouch siya ng make up niya at itinali ang buhok.

She's wearing a light blue off shoulder dress and white pumps.

Si Blue ay naka sky blue na long sleeves na tinupi hanggang siko at puting pants.

Kahel is wearing a pastel colored halter dress.

Yung dalawang Engineer naman, mukhang naka office attire.

Ewan niya ba sa fashion sense ng dalawang Engineer na 'to. Parang timang.

Hindi naman sila na traffic kaya nakarating sila sa simbahan on time.

Special ang binyag kaya sila lang ang nandun sa simbahan.

She greeted her parents pati ang mga Tito at Tita niya.

Ninang din si Ella at si Greynald ang partner.

My Favorite Trouble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon