Hello.
Unang una, gustong kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagbabasa at pag tangkilik ng aking mga libro lalo na ang My Zombie Girl books. Gusto kong magpasalamat dahil kahit naiwan ko kayo sa ere ay inintindi nyo ako at hinintay ang aking pagbabalik upang matapos ito.
Napakaraming pangyayari ang naganap sa aking buhay nitong mga nakaraang taon, kahit hanggang ngayon, dahilan upang mawalan ako ng ganang mag sulat. Ni isang pangungusap ay hindi ko kayang simulan dahil sa tindi ng pagkawala ng aking passion sa pagsusulat.
Gusto kong magpasalamat dahil kahit na hindi ako magaling na manunulat ay hinayaan nyo akong patuloy na magsulat para sa inyo dahil sa inyong suporta. Sa tuwing mababasa ko ang mga komento nyo sa aking mga libro ay napapangiti ako sa totoo lang. Dahil alam kong kahit ganito ako, may nakaka appreciate ng ginagawa ko kahit sa totoong buhay ko ay alam kong wala man lang maka appreciate sa mga ginagawa ko. Dito lamang ako sa mga libro ko nakaramdam ng appreciation dahil sa inyong mga komento at suporta kaya naman talagang masaya ako at punong puno ng pasasalamat.
Alam ko kahit papaano nagkaroon ako ng ambag sa inyong imahinasyon at sana huwag nyong makalimutan ang aking mga libro. Hindi ito pamamaalam. Bagkus ay isa lamang itong pasasalamat sa inyong lahat bilang aking mambabasa.
Tangina ang lalim ko ng magsalita kakasulat HAHAHAHAH.
Again, maraming salamat sa inyo. At kung may time kayo ay pwede nyo ring basahin ang iba ko pang mga libro, kahit hindi pa tapos ang mga ito.
Hanggang sa muli...
Nagmamahal,
Ang inyong manunulat,
-Chriss
BINABASA MO ANG
My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019
Mystery / ThrillerNagising si Megan at nakita nyang buhay pala si Mischa at tao na din ito. Tuluyan na kayang maging happy ending ang kanilang love life, pati na rin ang buhay ng mga natitirang tao sa buong mundo? O panibagong struggles and adventure na naman ito? Su...