Napaka-gandang pag-masdan ng papalubog na araw. Mas gumanda pa ito dahil sa repleksyon ng haring araw sa malawak na dagat.
Malamig ang simoy ng hangin at ng mapasinghap ako ay mabilis na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.
Naririnig ko ang pag hampas ng tubig sa dalampasigan. Maging ang ingay ng mga ibong lumilipad sa himpapawid. Ani mo'y walang nangyaring masama kamakailan lamang.
Napapikit ako ng aking mga mata. Dinadama ko ang tahimik at kalmadong kapaligiran.
Tila ba isa itong panaginip na kung maaari lamang ay huwag na akong magising. Napaka payapa kasi ng paligid...ng lahat.
Narinig kong may tumawag ng aking pangalan sa di kalayuan. Bahagya akong lumingon sa direksyon nito ngunit mas pinili kong tumitig sa napakagandang tanawin na ito.
Maya maya pa ay narinig ko na naman ang tinig na tinatawag ang aking pangalan. Huminga ako ng malalim bago tumalikod ngunit nabigla ako ng may mabangga akong tao.
"We should really stop meeting like this." Natatawa kong sabi sa babaeng ngayon ay tinutulungan kong tumayo mula sa sahig.
"S-sorry. Ang clumsy ko talaga." Natatawang sagot ni Megan sa akin habang pinapagpag ang kanyang suot.
Tinitigan ko si Megan sa kanyang mga mata at habang ginagawa ko ito ay hindi maalis alis ang aking mga ngiti. Naalala ko kasi na ganitong ganito ang unang beses naming pagkikita. Ang tagal na panahon na iyon pero pakiramdam ko parang kahapon lang iyon naganap.
"What are you thinking?" Malumanay na tanong ni Megan sa akin.
Hinila ko siya ng dahan dahan at saka ko siya inakap ng mahigpit. Maya maya ay iniharap ko siya sa napakagandang tanawin at saka ko siya niyakap mula sa kanyang likuran. Hinalikan ko ang kaniyang balikat at saka ko ipinatong ang aking baba rito.
"Nothing... it's just...everything is peaceful..." Tugon ko sa kanya habang nakangiti. Nanatili kami sa ganitong posisyon. Naka akap lamang ako sa kanyang likuran. Ang sarap sa pakiramdam ng mainit niyang katawan. Lalo tuloy akong naging payapa.
"Pasok na tayo? Nakahain na ng dinner ang mga kasama natin." Maya maya pang sabi nito sa akin.
Iniharap ko si Megan sa akin at saka siya tinitigan. Nakangiti ito sa akin at tila ba nagnininging ang kanyang mga mata dahil sa papalubog na haring araw.
Ngumiti ako sa kanya pabalik at saka siya hinalikan sa kanyang noo."You're so beautiful..." Wala sa sarili kong sambit at saka ko inayos ang kanyang buhok at ikinubli ito sa likod ng kanyang tenga.
Nakita kong namula ang kanyang mga pisngi dahil sa aking mga sinabi. Bahagya tuloy akong napatawa dahil naisip kong hindi pa rin pala kumukupas ang mabulaklak kong mga salita.
Niyakap ko siyang at saka ko siya binigyan ng isang halik muli sa kanyang noo. Nanatili ang aking mga labi doon at naramdaman kong yumakap pabalik si Megan ng mahigpit.
"I love you..." Sambit nito sa akin at napangiti naman ako. Bahagya akong lumayo sa kanya at saka siya hinalikan sa kanyang mga labi.
"I love you too...so so much." Mahina kong sabi na sapat lang upang marinig niya at saka ko siya siniil muli ng halik.
"Hoooyyy!!! Kakain na daw!! Tama na ang lampungan sa dalampasigan!!!" Sigaw ni Trina sa amin kasabay pa ng pag kalampag nya ng sandok sa kalderong hawak niya.
Napahinto kami ni Megan at natawa na lamang dahil sa pangi-istorbo ni Trina sa amin.
Iiling iling na lumapit kami sa kanya. Nakapa meywang na ito at nakangiti ng pilya sa amin ni Megan.
BINABASA MO ANG
My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019
Mystère / ThrillerNagising si Megan at nakita nyang buhay pala si Mischa at tao na din ito. Tuluyan na kayang maging happy ending ang kanilang love life, pati na rin ang buhay ng mga natitirang tao sa buong mundo? O panibagong struggles and adventure na naman ito? Su...