☣ıƙą-Ɩąცıŋɠ Ɩıɱąŋɠ ƙą℘ıɬųƖơ☣

1.3K 90 20
                                    

ıƙą-Ɩąცıŋɠ Ɩıɱąŋɠ ƙą℘ıɬųƖơ☣

Mischa's P.o.V

Binuksan ko ang aking mga mata at isang pigura ang aking nakita.

"S-Sam?" Sabi ko na para bang sinisigurong tama ang aking nakita.

"Ish! Thank god you're awake!" Nakita kong nakahinga ng maluwag si Sam ng makita niyang gising na nga ako.

Umupo ako mula sa aking pagkakahiga at saka humawak sa aking ulong sumasakit. May bukol pa yata ako kasi masakit yung ulo ko.

"You're good. Wala namang bukol and any form of sugat sa ulo mo. I checked on you earlier." Paliwanag ni Sam nang gumapang siya palapit sa akin.

"Anong nangyari?" Wala sa sarili kong tanong kay Sam. Mas lumapit pa ito sa akin at bumuntong hininga.

Nakita kong lumingon siya sa kanyang kanan at maang na sinundan ko naman ito. May walker na nakabulagta doon at patay na ito.

"Right. Natatandaan ko na. I'm sorry Sam." Medyo malungkot kong sabi dahil naging pabigat pa ata ako kay Sam.

Tumingin sa akin si Sam at saka ngumiti.

"Wala yun. Let's go? Delikado dito. Pasalamat tayo at hindi pa bumabalik ang power." Natatawa niyang sabi sa akin at tinulungan akong makatayo.

"Kaya mo ba?" Tanong nya at napatango naman ako.

Nagsimula na kaming umakyat at thankfully wala naman ng ibang aberya pa ang nangyari.

Naka-akyat kami sa palapag kung saan bahagyang nakabukas ang pinto ng elevator. Tinulungan ko si Sam na tuluyang maka-akyat dito bago agaw buhay naming binuksan ng todo ang pinto. Paano nakasangkalang ang isang binti namin sa pwede naming apakan para lang hindi mahulog. Baka ikamatay na namin kapag nahulog kami sa taas nito. Yun nga lang na lagpas isang palapag na hinulugan ko eh nawalan nako ng malay nh bumagsak ako. Ito pa kayang tatlong palapag pa? Thankful nga ako at buhay pa ako eh.

Successful naman ang aming pagbukas ng pinto at saka kami maingat na umakyat. Mahirap na dahil baka may walkers dito.

"Where to?" Hingal na sabi ni Sam sa akin at hindi agad ako nakasagot dahil sa totoo lang hindi ko alam ang pasikot sikot dito. Obviously, first time ko dito.

"Let's look for the stairs." Sabi ko kay Sam at tumango naman ito.

Alerto lamang kami habang binabaybay ang madilim na hallway. Sa sobrang alerto namin ay ultimo maliit na ingay ay agad naming iniilawan ang pinaggalingan nito.

Iniilawan ko ang bandang kisame o ang mga pader dahil for sure may nakapaskil doong salitang Stairs.

"Fuck!" Naiinis na sabi ni Sam ng makita naming maraming nakahambalang sa hallway na ito na for sure ay hindi kami makakadaan.

"Balik tayo. May isa pa akong daan na nakita." Sabi ko kay Sam. Kasi naman parang isang malaking maze itong lugar na ito.

Bumalik kami sa hallway kanina kung saan nakita ko ang isa pang daan na pwede naming daanan. At ng marating namin ang sinasabi ko ay agad kaming kumanan.

Sa hallway na ito ay samu't saring kwarto ang makikita. Maraming mga medical machines ang nakasalnsan at mga test tubes and what so ever. Mukhang maraming light experiments ang nangyari dito.

Nakakapangilabot sa totoo lang kasi bukod sa napakadilim dito ay nagmistulan na itong ghost town. To think na dalawa na lang kami ni Sam dito ay baka kung anong biglang sumulpot sa aming likuran.

"Here Sam." Sabi ko ng makita ko ang isang hallway at may nakalagay na Stairs sa itaas na bahagi.

Tumango si Sam at agad namin itong tinungo. Tahimik at maingat kaming naglalakad ni Sam ng biglang may kumalampag sa kanang bahagi namin.

My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon