☣ıƙą-Ɩąცıŋɠ ą℘ąɬ ŋą ƙą℘ıɬųƖơ☣
Megan's P.o.V
Ilang minuto na ang nakakalipas mula ng makasakay kami sa tren na ito at maka-takas sa halimaw na humahabol sa amin.
Hanggang ngayon ay may takot pa din akong nararamdaman. Takot dahil sa halimaw na iyon na gusto kaming tirisin, at takot na baka hindi ko maprotektahan si Maddie gaya ng nangyari kay Ish.
Sa totoo lang, kaunti na lang ang natitirang pag-asa na makita ko pang buhay si Mischa. Kahit ilang beses ko pang tatagan ang aking loob at magdasal ng walang hanggan.
Unang una, napalayo na ata kami ng husto sa pinaghulugan ni Ish. Pangalawa, kung natabunan si Ish doon kasama si Sam, for sure ilang oras lang ay mauubusan na sila ng oxygen. Wala rin silang kukuhanan ng inumin kahit konti. Baka nadehydrate na si Ish doon.
Napabuntong hininga ako dahil gusto kong magwala na parang bata dahil gustong gusto kong bumalik at tulungan si Ish pero wala naman akong magawa. Nakakabugnot na hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko.
"Meg, chill okay?"
Napalingon ako sa aking tabi at nakita si Trina. Halatang naga-alala din ito sa kanyang pinsan pero tinatatagan lang din niya ang kanyang loob.
"I...c-can't....I can't just chill Trina. I want to save Ish. Pero wala akong magawa. Dito pa lang agaw buhay na tayo sa pagtakas sa halimaw na iyon. Bawat segundong lumilipas, paunti ng paunti iyong chance na makita kong buhay si Ish." Naiiyak kong paliwanag kay Trina.
Nagbuntong hininga si Trina at saka lumapit pa sa akin at saka ako niyakap. She's saying na magiging okay din ang lahat at maililigtas din namin si Ish pero...pero alam kong nawawalan na din siya ng pag-asa.
"We're almost there." Narinig naming sabi ni Camila kay Colonel. Tumayo sina Colonel at tumingin sa labas ng bintana. Mabilis ang takbo ng tren na ito kaya hindi ko din masyadong maaninagan ang labas.
Maya maya pa ay nakarinig kami ng malakas na kalabog sa ibabaw ng tren na naging sanhi ng pag-yanig at pag-alog nito.
"What was that?!" Gulat na sigaw ni Trina at lahat kami ay napatayo at napakapit sa mga bakal na maari naming makapitan. Agad kong hinawakan si Maddy sa kanyang kamay dahil sa totoo lang ay kinakabahan ako.
"Stay put." Utos ni Colonel sa amin at agad na lumapit sa bandang gitna ng bagon kung saan narinig namin ang malakas na kalabog.
Iniangat si Colonel ang kanyang kasadong baril at itinutok sa kisame ng tren. Lumapit din sina Eli galing sa gitnang bagon ngunit pinahinto sila ni Colonel.
Tahimik lang kaming lahat na nakatingin sa kisame at pigil hininga kaming naghihintay ng mga susunod na mangyayari.
"Mommy I'm scared." Bulong ni Maddy sa akin.
At kasabay ng pagyuko ko upang kausapin si Maddy ay siyang biglang may kung ano ang may malakas na pwersa ang bumagsak sa kisame.
Sa sobrang lakas nito ay lahat kami ay napa-yuko sa sahig kasabay ng pag-gewang ng bahagya ng tren.
~graaaaaaaaaaaa!!~
Isang sigaw ang aming narinig mula sa ibabaw ng tren.
"Trina! Megan! Are you okay?!" Sigaw ni Shawn matapos nyang makita ang napakalaking yupi sa kisame ng tren malapit sa amin matapos tumama ang napakalakas na pwersa dito.
"Let's go Meg!" Sigaw nina Kylie dahil alam nilang delikado ang sitwasyon namin ngayon dito sa dulo ng bagon.
"C'mon baby. We need to go." Mahinahon ngunit puno ng kabang sabi ko kay Maddy habang tinutulungan siyang makatayo sa pagkakasalampak namin dito sa sahig.
BINABASA MO ANG
My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019
Mystery / ThrillerNagising si Megan at nakita nyang buhay pala si Mischa at tao na din ito. Tuluyan na kayang maging happy ending ang kanilang love life, pati na rin ang buhay ng mga natitirang tao sa buong mundo? O panibagong struggles and adventure na naman ito? Su...