☣ıƙą-Ɩąცıŋɠ ʂıყąɱ ŋą ƙą℘ıɬųƖơ☣
Megan's P.o.V
Nandito na kami sa train na sinasabi ni Camila. Katabi ko ang walang malay na si Ish at hindi ko mapigilang maluha.
Ang sabi ni Camila ay nawalan lang daw ito ng malay dahil sa impact ng pagsabog ng grenade launcher na tumama sa halimaw.
Hindi ko lubos maisip na may nakita si Dylan na grenade launcher sa isang steel locker habang binabantayan si Camila.
Pero dahil dito ay laking pasasalamat ko na nailigtas nito ang buhay namin. Lalong lalo na si Ish. Kung hindi tinamaan ni Eli ang halimaw ay baka tuluyan ng naging kuto si Ish sa kamay ng halimaw.
Nilingon ko si Ish at hinawi ang kanyang buhok na nakatakip sa kanyang pisngi. Sobrang saya ko talaga ng makita ko siya. Akala ko hindi ko na makikita at makakasamang muli si Ish.
"Nasaan yung iba?" Narinig kong tanong ni Sam na nakaupo sa tapat namin. Nakatingin ito kina Dylan.
"Nauna na sila sa surface. Hinihintay nila tayo doon." Sagot ni Dylan at tumango tango naman si Sam. Tumingin ito sa gawi namin ni Ish pero umiwas din agad ng tingin nang makitang nakatitig ako sa kanya.
"Sana naman tapos na ito." Sabi ni Eli na kasalukuyang nakasalampak sa sahig ng bagon na ito.
Nilingon ko siya at huminga ng malalim.
"Sana nga..." Sagot ko sa kanya at saka ko isinandal ang aking ulo sa salamin na bintana ng train. Sobrang pagod na ako sa totoo lang. Hindi ko na alam kung makakaya ko pang magtatakbo kung sakali.
"We're almost there." Sabi ni Camila makalipas ang ilang minuto at agad akong lumingon sa harapan ng bagon.
At sa dulo ng tunnel na ito ay liwanag ang aking nakikita. Hindi ko alam kung liwanag ba ito na nagmumula sa ilaw o sa araw.
Sa isang iglap ay iniluwa ng tunnel na ito ang tren na aming sinasakyan. Sinalubong kami ng liwanag na nagmumula sa labas. Hindi ko na alam kung tanghali ba o hapon pero medyo makulimlim ang paligid at parang nagbabadyang umulan.
Ang saya sa pakiramdam na matatapos na ang lahat ng ito.
Huminto ang tren at nilingon ko ang platform. Hindi ko nakikita sina Maddy. Nasaan na kaya sila?
Binuhat ni Eli si Mischa na akala mo ay isang sakong bigas. Pero okay na din yun kaysa buhatin niya ito na para bang bagong kasal.
Lumabas kami ng bagon at wala pa rin akong nakikita ni isa sa aming mga kasama.
"Nasaan sila??" Tanong ni Dylan na kahit ako ay hindi magawang masagot.
"Let's go." Sabi ni Colonel at itinuro ni Camila ang daan pababa ng station.
Pagbaba namin ng station ay napagtanto kong parang isang malawak na rooftop ito. May helipad pa sa gitna ang rooftop na ito.Mukhang ang taas pala ng station na ito.
"This is not a public station. This is a private station for Amadeus Corp." Paliwanag ni Camila ng mapansin sigurong namangha kami sa aming nakikita.
"But where are they?" Tanong ni Sam. Naunahan niya ako pero okay lang naman. Pareho naman kami ng hinahanp.
"Maybe they are downstairs. C'mon follow me." Sabi ni Camila at agad namin kaming sumunod sa kanya.
Ngunit nasa gitna pa lang kami ng helipad ng rooftop na ito ng biglang may pumalakpak sa gawi ng pintuan ng hagdan.
Nagulat kaming lahat at napatigil sa paglakad. Lahat kami ay nakatutok lamang sa gawi ng pintuan.
At isang lalaking nakasuot ng pang doctor ang lumabas mula sa pintuan.
BINABASA MO ANG
My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019
Mystery / ThrillerNagising si Megan at nakita nyang buhay pala si Mischa at tao na din ito. Tuluyan na kayang maging happy ending ang kanilang love life, pati na rin ang buhay ng mga natitirang tao sa buong mundo? O panibagong struggles and adventure na naman ito? Su...