☣ıƙąƖąῳąŋɠ ƙą℘ıɬųƖơ☣

6.2K 222 13
                                    

Hey guys!

Pashneya ng buong puso kung ngayon lang ako nakapag update. Busy lang kasi talaga!

Dapat talaga nung 14 ko pa ito iuupdate kaso hindi ko sya agad natapos. XD

At talagang walang signal si sun sa Pasig dahil sa pagdating ni Pope Francis! XD Kinailangan ko pa talagang pumunta ng Antipolo para makapag update! Woo! Ganyan ko kayo kamahal!

InspiredbyChriss Belated Happy Monthsarie Baby. :3

Hmm. Sana magustuhan nyo ang chappy na ito. :3

Salamat nga pala sa lahat ng naga-add ng mga stories ko sa list nyo. :3 maraming salamat din sa lahat ng nagfollow sa akin. Maraming salamat din sa mga votes nyo sa stories ko. Maraming salamat po talaga! *bow*

Kayo ay magcomment.

Vote.

Or kung ano lang trip nyo sa buhay. ;p

➸໒ཏཞརຮຮ14

⚢•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•⚢

ıƙąƖąąŋɠ ƙąıɬųƖơ

Mischa's P.o.V

"Babe?" Tawag ni Megan sa akin habang pinupunasan ang aking mga luha.

Ngumiti lang ako ng bahagya sa kanya habang nangingilid pa din ang aking mga luha. Wala eh. Masayang masaya lang ako na makitang muli si Megan. Na mayakap sya. Na mahalikan sya.

"I'm so happy you're back." Mahinang sabi nya habang nakangiti sa akin.

Napangiti na ako ng tuluyan sa kanya sabay hawak sa kanyang mga kamay na nasa aking mukha.

Magsasalita pa sana ako para sabihin kung gaano ako kasaya ngayon pero biglang lumakas ang ihip ng hangin at may malakas na ingay kaming narinig.

H-helicopter??

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Megan sa aking kamay. Halatang kinakabahan sya. Gusto ko sana syang iassure na magiging okay ang lahat pero...

~Ksssshhhhhhhhhh~

Tunog ng megaphone na binuksan ng isang sundalo.

~Lumayo ka sa walker na yan! I repeat! Lumayo ka sa walker na yan!~

Utos nya mula sa may helicopter.

Nagulat ako sa sinabi nya. Oo nga pala. Kahit ramdam kong tao na ako. Sa labas ay paniguradong mukha pa din akong walker.

Lalong lumapit si Megan sa akin at halatang natatakot sya. At dahil sa takot na nakikita ko ngayon sa kanyang mukha ay pumunta na ako sa kanyang harapan at itinago sya sa aking likuran para protektahan sya.

Alam ko naman na ang nangyayari sa aking paligid. Pero masakit sa ulo ito gayong kakalabas ko lang sa purgatory kani-kanina lang.

Kasama ko nang muli si Megan pero ano to?? Bakit may ganitong eksena??

Pero isa lang ang alam ko. Hindi ako papayag na masaktan si Megan.

Magsasalita na sana ako, pero kung ang pangalan nga ni Megan ay hirap na hirap pa akong bigkasin sa ngayon, ang sumigaw pa kaya para kausapin tong mga kumag na to, magagawa ko agad agad??

Pero kailangan. Para maniwala silang tao na ako. Para hindi mapahamak si Megan.

"www...wwwa..."

My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon