☣ıƙą-ɖąƖąῳąɱ℘ų'ɬ - ɖąƖąῳąŋɠ ƙą℘ıɬųƖơ☣

235 23 5
                                    

☣ıƙą-ɖąƖąῳąɱ℘ų'ɬ - ɖąƖąῳąŋɠ ƙą℘ıɬųƖơ☣

"Mummy!!!" Sumigaw ang batang si Maddy nang makita ang sinapit ni Megan. Nakatayo ito sa may pintuan ng rooftop at hindi na napigilan ng kanyang mga mata na maluha.

Napatingin si Megan sa gawi ni Maddy at saka ito ngumiti sa bata. Gustong iparating ni Megan na okay lang siya, ngunit hindi nito maaalis ang lungkot at takot sa mata ng bata. Ang mga matang kaparehong kapareho ng kay Mischa.

Matapos ngumiti kay Maddy ay tinitigan niya ang nakakadiring mga daliri ng halimaw na nakatarak sa kanyang likuran na ngayon ay nakatagos sa kanyang dibdib.

Hinawakan ito ni Megan at pilit na inaalis ngunit gumuhit sa kanyang mukha ang sakit na naramdaman ng gumalaw ang nakatarak sa kanyang dibdib.

~graaaaaaaaaaaah!!!~

Sumigaw ang halimaw at walang sabi sabing hinila ang kanyang kamay mula sa likuran ng dalaga.

Parang tumigil ang oras ng mga sandaling ito. Biglang lumitaw sa paningin ni Megan ang lahat ng masasayang ala ala nila ni Mischa. Mga araw na magkasama silang dalawa. Mga araw na kasama nila ang kanilang mga kaibigan. At ang araw ng una nilang pagkikita. Tuluyang bumagsak sa sahig si Megan. Sa tabi ng kanyang pinakamamahal na si Mischa.

"Noooo! Megaaaan!!" Sigaw ni Trina at gustong gusto nitong lumapit sa dalaga, ngunit dahil sa halimaw ay napako ito sa kinatatayuan.

Nakatitig ang dalagang si Megan sa mukha ng kasintahan. Nakadilat ang mga mata ni Mischa habang nakalingon sa gawi ni Megan ngunit tila nakatingin sa kawalan.

"B-babe..." Nahihirapang sambit ni Megan at pilit nitong inaabot ang kamay ng kasintahan. Nang maabot nito ang kamay ni Mischa ay bahagya itong napapikit dahil sa sakit ng kanyang nadarama. Ngumiti si Megan at hindi na nito napigilan pang lumuha. Dahil sa isip nito, sa ikatlong pagkakataon ay hindi niya nailigtas ang kanyang pinakamamahal na kasintahan.

"I....I-I'm sorry...." Humihikbing sabi nito sa dalaga. Hinigpitan nito ang kanyang hawak sa kamay ng kasintahang si Mischa. "I...l-love you..." Huling sambit ni Megan hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng buhay.

Tila ba tumahimik ang buong paligid.

Nakakatitig pa rin ang zombieng si Ish sa dalagang nasa kanyang harapan ngayon.

~I love you~

Tila nakarinig bigla ang dalaga ng tinig sa paligid.

~I'm sorry~

Narinig na naman niya ang pamilyar na tinig ngunit hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

~Babe~

Sabi ng tinig at umaalingawngaw ito sa paligid ng dalaga.

~Mischa~

Tila ba nasa alapaap si Mischa nang marinig niyang muli ang tinig. Tumayo ito at wala siyang makita kundi malawak na talahiban. Malakas ang hangin at malamig ang dampi nito sa kanyang balat.

~Ish~

Narinig na naman niya ang tinig at hinanap niya ito sa kanyang paligid. Ngunit wala siyang nakitang sinuman o anumang bagay sa paligid.

Tumakbo si Ish upang hanapin ang pinagmumulan ng tinig. Ngunit walang katapusang talahiban lamang ang kanyang nakikita.

~Mischa~

Huminto ang dalaga sa pagtakbo at iniikot ang kanyang katawan upang hanaping muli ang tinig.

~Babe~

Sabing muli ng tinig.

My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon