Hey guys!
Nako pashneya kung di ko agad na-update itong chappy na ito like I promised earlier. Pano kasi walang signal ang Sun sa pinuntahan ko sa Batangas. Wala tuloy akong net! XD
Anyways. Sana magustuhan nyo ang chappy na ito. Working pa yung sunod na chappy guys.
Yun lang po! Bow!
PS. Baby? InspiredbyChriss goodluck sa quizzes mo bukas ha? I love you po!! ;)
Unedited
➸໒ཏཞརຮຮ14
⚢•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•⚢☣ıƙą-ąŋıɱ ŋą ƙą℘ıɬųƖơ☣
Mischa's P.o.V
Oh my god! Pinaandar na nila!!
Yan ang sigaw ko sa isip ko ng maramdaman kong nagbukas na ang engine ng eroplano at nagsimula na itong umandar para kumuha ng bwelo.
"Wait! Wag nyo munang paliparin! Nandoon pa si Kylie!" Sigaw ko sa sundalong nagpapatakbo ng eroplano.
"I can't. We need to fly. Ang daming walkers nyan!" Sigaw nya pabalik sa akin. Napalingon ako sa gawi ni Kylie at ng isang sundalong kasama nyang tumatakbo.
Shit! Di to maaari! Di ako papayag na mamatay si Kylie!
Napalingon ako sa mga kasamahan kong sumisigaw kay Kylie na bilisan ang pagtakbo. Si Kyle naiiyak na.
"Please no! Hintayin lang natin silang makasakay!" Sigaw kong muli sa sundalo. Napatingin ang sundalo sa akin at halatang gusto nyang hintayin ang dalawang tumatakbo sa baba pero kita din na kailangan na naming makaalis dito sa dami ng walkers na humahabol.
"Please Sir!" Sigaw ko ng makalapit na ako sa kanya. Nagmamakaawa ako dahil kaibigan ko ang nasa baba ngayon.
"Sometimes we need to make sacrifices." Kalmadong sabi ni Colonel sa akin habang prenteng nakaupo sya.
"What?! What did you just say?!" Nanggagalaiting sabi ko sa kanya.
"I said. We need to sacrifice others to survive." Firm na sabi nya na lalong nakapagpainit ng ulo ko. Sumusobra na sya! Buhay yung isasacrifice nya para lang mailigtas kami! Di ako papayag!
Sa galit ko sa kanya ay dinakma ko ang kanyang kwelyo at itinulak sya against the wall of the plane. Wala akong pakialam kung nauntog ang ulo nya, mas maganda nga yun ng matauhan sya!
"That's my friend back there!! Your soldier as well!! And you're saying we need to sacrifice their lives?! Fck! You!!" I said na halos pumutok na ang veins sa leeg ko sa galit, habang paulit ulit ko syang itinutulak sa pader ng eroplano.
"Ish tama na!" Pinigilan ako ni Shawn at Megan pero tuloy pa din ako. Hindi ako makakapayag na mamatay si Kylie. Marami ng namatay na sundalo kanina para makatakas kami. Ngaun pati si Kylie??
Nagulat na lang ako ng bumagsak ako sa sahig, at isang abot hanggang butong kirot ang naramdaman ko sa aking panga.
Sinuntok ako ng gago.
"Bakit mo sya sinuntok?!" Galit na sigaw ni Megan kay Colonel at pinagsusu-suntok nya ito ngunit walang epekto kay Colonel.
Dinura ko ang dugong nalasahan ko sabay tingin ng masama sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019
Misteri / ThrillerNagising si Megan at nakita nyang buhay pala si Mischa at tao na din ito. Tuluyan na kayang maging happy ending ang kanilang love life, pati na rin ang buhay ng mga natitirang tao sa buong mundo? O panibagong struggles and adventure na naman ito? Su...