Kamusta madlang people?!
Sa wakas. Ito na po ang unang kapitulo ng My Zombie Girl 2. Oo tama. Kaya magbunyi kayong lahat! Aha. XD
Pero pagpasensyahan nyo na kung ito ay may kaiklian. Okay lang naman yun dba? Unang kapitulo pa lang naman. Hihi. :3
Sana magustuhan nyo ito. Kayo ay mag comment. Vote. O kung ano pang gusto nyong gawin sa buhay. Aha. Salamats!
InspiredbyChriss babe. Gising na!! Update nako ohh. Kita mo? Basahin mo na. Haha. I love you. ;)
➸໒ཏཞརຮຮ14
⚢•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•⚢
☣ųŋąŋɠ ƙą℘ıɬųƖơ☣
Megan's P.o.V
"Mischa!!!!" Hindi makapaniwalang sigaw ko.
Kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagtalon ko mula sa kama at sabay takbo papalapit kay Ish.
Sa sobrang tuwa ko ay tumalon ako ng malapit na ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Naka koala hug lang ako sa kanya.
"Baby!!! You're alive!! You're here!!" Sigaw ko habang umiiyak sa leeg nya.
Narinig ko syang tumawa ng bahagya habang hinihimas ang aking likod.
"Yea baby. I'm alive. I'm here aren't I?" Natatawa nyang sabi sa akin.
Umiyak lang ako ng umiyak habang nasa ganoon kaming position. Hindi ko kasi talaga napigilang umiyak dahil sa sobrang saya ko ng makita ko sya ngayon.
Ng mapagod na ako sa pagkaka-koalahug kay Ish ay bumaba na ako.
Nakatayo lang ako sa kanyang harapan at nakatitig sa kanyang mga mata. Asul na asul na itong muli katulad noong una kaming magkakilala.
Hindi talaga ako makapaniwalang buhay sya. Alam ko binaril sya ng sundalo pero heto sya ngayon sa harap ko at buhay na buhay.
"What're you thinking babe?" Mahinang tanong ni Ish matapos nyang hawakan ang aking magkabilang braso.
"N-nothing...hindi lang ako makapaniwalang buhay ka at nakatayo ngayon dito sa harap ko." Mangiyak ngiyak ko pa ding sabi sa kanya.
"I know. I'll never leave you again. I promise." Sabi nya habang nakangiti ng matamis sa akin. Ngumiti din ako sa kanya ng pagkatamis tamis.
"I love you..." Sabi ko sa kanya.
"I love you more Meg..." Sabi nya at sa isang iglap...
Nawala si Ish sa aking harap. Nagdilim ang buong paligid. At ramdam ko ang lamig ng hangin.
Anong nangyayari??
Bakit biglang nagkaganito???
"Ish?!" Sigaw ko. Pero nag echo lang ang aking sigaw sa buong paligid.
Shit! Ano ba to??
"Ish!!" Sigaw kong muli habang tumatakbo sa kung saan. Sa sobrang dilim kasi ng paligid ay wala akong makita.
Tumakbo lang ako ng tumakbo habang isinisigaw ang pangalan ni Ish. Ngunit as usual, wala pa ding nakakarinig nito. Hanggang sa...
"Ouch!" Sigaw ko na lamang ng madapa ako. Ang sakit shems! Pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ng puso ko ngayon. Wala na akong magawa kundi ang umiyak. Umiyak ng umiyak habang nakayakap sa aking mga tuhod.
BINABASA MO ANG
My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019
Mystery / ThrillerNagising si Megan at nakita nyang buhay pala si Mischa at tao na din ito. Tuluyan na kayang maging happy ending ang kanilang love life, pati na rin ang buhay ng mga natitirang tao sa buong mundo? O panibagong struggles and adventure na naman ito? Su...