☣ıƙą-Ɩąცıŋɠ ɖąƖąῳąŋɠ ƙą℘ıɬųƖơ☣
Megan's P.o.V
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi ko pa din lubos maisip na nahulog si Ish sa ilalim ng lupang gumuho.
Madilim na at alam kong mahihirapan kaming iligtas si Ish sa baba. Samahan mo pa ng lindol na nangyari, at ang risk na may mga walker na gumagala. Gamit ang flashlight, pilit kong hinahanap si Ish mula dito sa kalsada hanggang sa ibaba ng butas.
"Shit shit shit shit." Nagpa-panic kong sabi sa aking sarili ng hindi ko maaninagan si Ish sa ibaba. Tumabi na sa akin si Trina at Shawn para hanapin si Ish.
"Let's go!" Whisper shout ni Colonel sa amin na parang walang nangyaring sakuna ngayon ngayon lang.
"Will you shut up!" Whisper shout naman ni Jayvee at nakarinig ako ng mga tulakang nangyayari. "Kakalaglag lang ni Mischa sa baba at nandoon pa sya hanggang ngayon. Hindi ka ba makaintinding kailangan namin siyang tulungan?" Nagngingitngit na sabi ni Jayvee.
"And si Sam." Singit ni Dr. Sanders ngunit hindi siya pinansin ng dalawa. Naming lahat actually.
Narinig kong umiiyak si Maddy habang tinatawag si Mischa. Pinapatahan siya nina Kylie at hindi ko alam kung masama ba akong tao, pero hindi ko sila pinapansing lahat dahil ang aking atensyon ay naka-tuon lamang kay Ish, na kasalukuyang nasa ilalim ng lupang ito.
"Alam ko, kid." Narinig kong nag-hiss si Jayvee ng marinig ang salitang kid. "Pero iniisip ko lang ang safety ng platoong ito. Madilim na, lumilindol pa, at may mga walkers sa paligid." Sabi ni Colonel.
"Mischa?!" Sigaw ko sa butas baka sakaling marinig ni Ish. Naga-alala na kasi ako. Sana ayos lang siya!
"Nice way to call walkers." Sarcastic na sabi ni Colonel.
"Shit. Trina! Walang sumasagot!" Naiiyak kong sabi kay Trina na abala din sa pagfa-flashlight sa butas.
"Kalma lang Meg. Baka hindi lang niya narinig. Tawagin mo siya ulit." Utos ni Trina habang sinisilip naming tatlo si Mischa.
"Mischa!!!" Malakas na ang sigaw ko para marinig ako ni Ish. Sana naman marinig na nya ako. Mischa sumagot ka please??
"Megan?!" Maya maya pa'y narinig ko mula sa butas. Mahina ito pero sapat na para maintindihan ko.
"Buhay si Ish!" Masayang sabi ko kina Trina kahit pa alam kong narinig nya ang sigaw ni Ish. Tumango si Trina at Shawn sa akin at pilit naming sinisilip si Ish.
"Are you guys okay??" Tanong ko sa kanya since narinig kong nahulog din si Sam sabi ni Dr. Sanders. Ilang segundo pa ang hinintay namin ng sumigaw siyang muli.
"I'm okay! Who's with me?!" Sigaw niya. Narinig ko namang naga-away pa din si Colonel at si Jayvee. Masyado daw kaming maingay at madali kaming matutunton ng mga walkers.
"Thank God you're okay!" Sigaw ko pabalik. Buti naman at okay siya. Kailangan na lamang namin siyang tulungan makalabas dito.
"Ish! We'll find a way to get you two out of there okay?! We'll not stop until you two gets out!" Sigaw ni Shawn kay Ish sa ibaba. Maya maya pa ay lumindol na naman. Shit talaga! "And fast!" Naisigaw ko habang ingat na ingat na nakakapit sa kalsada dahil sa lindol.
"No no no no!" Sigaw ko ng makitang nagsara ang butas dahil sa lindol. Ng tumigil ang pagyanig ay pilit kong hinuhukay ang butas katulong sina Shawn at Trina.
Hindi na napigilan ng luha ko at tuluyan na silang lumabas. Hindi ako papayag na malibing ng buhay si Ish. Kung kailangan kong maghukay buong magdamag gagawin ko to!
BINABASA MO ANG
My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019
Mistério / SuspenseNagising si Megan at nakita nyang buhay pala si Mischa at tao na din ito. Tuluyan na kayang maging happy ending ang kanilang love life, pati na rin ang buhay ng mga natitirang tao sa buong mundo? O panibagong struggles and adventure na naman ito? Su...