☣ıƙą-Ɩąცıŋɠ ɬąɬƖơŋɠ ƙą℘ıɬųƖơ☣
Mischa's P.o.V
"Ish?! Wait!! Huminto ka please??" Naiinis na sabi ni Sam sa aking bandang likuran kaya napa-hinto ako sa pagtakbo.
Hingal na hingal siyang lumapit sa aking harapan at makikita ang salubong niyang kilay.
"What the fck Ish??" Hingal pa din niyang sabi sa akin.
"I...I need to get to Megan as...as soon as possible..." Hingal na hingal kong sabi kay Sam habang nakayuko at nakahawak sa aking mga tuhod.
"Are you crazy??" Tiningnan nya ako ng di makapaniwala. "Nasa unahan lang natin yung halimaw na yun tapos susundan natin?!" Medyo hysterical nyang sabi sa akin.
"I know! Kaya nga ako nagmamadali dahil Megan is in danger! They're all in danger!" Palaban kong sabi kay Sam.
"As if naman may magagawa tayo?? Ish kitang kita mo kung gaano kalaki at kalakas ang halimaw na 'yon! Mamamatay tayo!" Hindi makapaniwala si Sam sa sagot ko. Tiningnan ko lamang sya ng taimtim at saka huminga ng malalim.
"I know." Humugot muna ako ng hinininga. At kasing lalim nito ng pinaghulugan namin kanina. "And handa akong magpakamatay mailigtas ko lamang si Megan. Kung kailangan kong ulit uliting mamatay para sa kanya gagawin ko." Seryoso kong sabi kay Sam. Namatay na ako dati para sa kanya. Para mailigtas siya. Kung wala na talagang way para maisalba ang buhay niya kaya kong itayang muli ang buhay ko kapalit ng kaligtasan nya.
Tahimik si Sam habang taimtim na nakatitig sa akin. Nilabanan ko din siya ng titig.
"Mahal mo talaga siya 'no?" Tanong ni Sam sa akin makalipas ang ilang minutong katahimikan.
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Mahal na mahal." Sabi ko sa kanya.
Napakagat sa labi si Sam at maya maya'y nagbuntong hininga. Napahawak sya sa sentido at minasahe ito ng saglit.
"Ano pa nga bang magagawa ko? Tara na nga!" Medyo naiinis niyang sabi at saka tumalikod na at nagsimulang maglakad, pero alam ko deep inside naiintindihan niya ako.
Umiling na lamang ako habang nakangiti at saka sumunod sa kanya.
Tahimik lang kaming naglalakad at paminsan minsan at lumalakad takbo na rin para maagap kaming makarating sa paroroonan. We're both tired na rin naman kasi kaya napagdesisyunan naming maglakad na lamang pansamantala.
"You never answered me before kung may boyfriend ka bago mangyari ang lahat ng ito." I asked since wala kaming mapagusapan. Naitanong ko na sa kanya ito dati noong nasa haven pa kami pero hindi niya ito nasagot dahil dumating si Dr. Sanders para icheck ang status ng health ko.
Sam stopped walking pero maya maya rin naman ay naglakad na siya. I thought di na siya sasagot kaya di na ako nagsalita pang muli pero nagsalita siya kalaunan.
"I had fling. She's terrible in bed." Natatawa niyang sagot sa akin.
She? So lesbian si Sam? Or bisexual? Anyways. Labels doesn't matter. Haha.
"Terrible talaga? Baka kasi kung ano ano pinapagawa mo sa kama." Natatawa kong sagot sa kanya na kanyang ikinatawa rin.
"Maybe?" Mapanukso niyang sabi sa akin. "Or she's just a bitch." Tumawa pa ang loko.
"So you like it rough then?" Naka-smirk kong sabi sa kanya. Tumingin siya sa akin at isang ngiting nakakaloko ang gumuhit sa kanyang mga labi.
Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong sunggaban at marahas na itinulak sa pader. Bakas pa din ang mapang-akit niyang ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019
Mystery / ThrillerNagising si Megan at nakita nyang buhay pala si Mischa at tao na din ito. Tuluyan na kayang maging happy ending ang kanilang love life, pati na rin ang buhay ng mga natitirang tao sa buong mundo? O panibagong struggles and adventure na naman ito? Su...