Hello guys!
Kamusta? Nag-update pala ako dahil sa wakas nakapag-isip na ako ng idudugtong ko sa MZG2. Sorry talaga natagalan. :)
Babala nga pala sa mga lugar na nababanggit ko dito sa story ko. Totoo pong may mga ganitong lugar sa Japan. Pero hindi pa kasi ako nakakapunta sa Japan. At kathang isip lang naman ang story kong ito so kung nakapunta ka na at alam mo ang lugar at iba ang mga description ko tungkol dito, wag mo na lang ako awayin. Haha. Tandaan. Kathang isip lang ang mga istorya ko. Thank you sa pag-intindi. :)
Sana ma-enjoy nyo itong chappy na ito.
-unedited
➸໒ཏཞརຮຮ14
⚢•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•⚢
☣ıƙą-ʂąɱ℘ųŋɠ ƙą℘ıɬųƖơ☣
Mischa's P.o.V
Tahimik ang makalat na lugar ng Haneda Airport. Hangin lang ang paminsan minsang maririnig sa paligid. Ni huni ng ibon o kung anong insekto ay wala.
Mariin lang akong nakatitig kay Jayvee na syang nasa tapat ko. Kitang kita ko ang pawis na tumutulo sa kanyang noo. Lumingon sa aking gawi si Jayvee at seryosong tinitigan ako pabalik.
"Clear." Sabi ni Charles matapos nyang icheck ang paligid sa kabila lang ng pader na ito. Nakita kong tumango si Jayvee sa akin at saka kami lumabas sa mumunting gate na nasa aking kanan.
Highway. Ito ang sumalubong sa amin pagkalabas namin ng gate mula sa Haneda Airport. Matalahib na ang paligid ng highway na nagsasabing walang sinuman ang nagaalaga o nagme-maintain dito.
Nagsimula kaming maglakad sa gilid ng highway at saka ko naalala ang NLEX sa Pilipinas, at ang mga pangyayaring naganap sa kahabaan ng highway na ito. Unintentional tuloy along napalingon sa gawi ni Megan. Kasalukuyan syang naglalakad sa aking kanan kasama si Maddy at sina Trina.
Lumapit ako sa kanya at agad na kinuha ang kanyang kamay na kanyang ikinagulat. Ngumiti ako sa kanya kasabay ng aking pagi-intertwine sa aming mga kamay. Ilang segundo lang ang lumipas ay ngumiti si Megan pabalik sa akin at nakaramdam ako ng bahagyang paghigpit ng kanyang hawak.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang ako ang naging panatag ng masilayan ko ang kanyang ngiti at maramdaman ang mainit nyang palad, na dapat ay ako ang magparamdam sa kanya ng ganoon.
"Hawakan mo din ang kamay ko babe." Narinig kong bulong ni Dustin kay Dylan na kasalukuyang nasa bandang unahan namin at pilit na yumayapos sa braso ni Dylan.
"Heh! Ano ba! Tigilan mo nga ako!" Whisper shout naman ni Dylan sa kanya at nakita kong pinagtutulakan palayo ni Dylan si Dustin.
"Tingnan mo tong dalawang to. Aso't pusa na naman. Eh naghalikan naman noong nasa Clark." Natatawa kong sabi kay Megan.
"Ikaw talaga." Sabi ni Megan sabay pabiro akong kinurot sa tagiliran. "Hayaan mo na yung dalawa. Dyan nagsisimula ang lahat." Dugtong nya sabay tawa ng mahina. Natawa na din ako kasabay si Trina na nakikinig pala sa amin.
"Kunwari pa yang si Dylan eh. Wag ka, kinikilig yan." Sabat ni Kyle na talagang nagpatihuli pa para lang sumabat. Adik lang eh.
"Shhh. Wag kayong maingay baka marinig tayo!" Saway ni Megan sa amin na lalo naming ikinatawa.
BINABASA MO ANG
My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019
غموض / إثارةNagising si Megan at nakita nyang buhay pala si Mischa at tao na din ito. Tuluyan na kayang maging happy ending ang kanilang love life, pati na rin ang buhay ng mga natitirang tao sa buong mundo? O panibagong struggles and adventure na naman ito? Su...