☣ıƙą-ɖąƖąῳąɱ℘ų'ɬ - ıʂąŋɠ ƙą℘ıɬųƖơ☣
THIRD PERSON P.O.V
Tumalon si Ish papunta sa gawi ng halimaw upang kalmutin ito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay natiis ng halimaw ang sakit na natamo sa pag kalmot ni Ish at saka ito dinakma mula sa leeg pababa sa kanyang dibdib gamit ang napakalaki nitong kamay. Unti unti nitong itinaas ang kaliwang braso kaya't lalong nawalan si Ish ng pwersa upang kumawala sa nakakadiring kamay ng halimaw.
At dahil ginawa ang halimaw upang pumatay, ay buong lakas niyang hinigpitan ang kanyang kanang kamay dahilan para unti unting manghina si Ish. Kung ito ay magpapatuloy, maaaring mapisa si Ish na parang kuto at tuluyan na niyang ikamatay ito.
"Shawn!!" Sigaw ni Trina nang makalapit ang dalawa sa binatang duguan sa ibabaw ng cargo.
Tinulungan ng dalawang babae si Shawn na makaupo sa sahig.
Nang makaupo ito ay hindi napigilan ni Trina na hawakan ang mukha ng nobyo.
"Babe. A-are you okay?" Naiiyak na sabi ni trina sa nobyo. Ngumiti si Shawn sa kasintahan at saka yumakap sa dalaga.
"I'm okay. Daplis lang ang mga 'to. Pero masakit." Sabi ni Shawn at saka tumawa. Nakuha pang magbiro ng binata dahil alam niyang sobra ang pagaalala ng kanyang kasintahan.
Naputol ang kanilang paguusap nang marinig nila ang sigaw ng halimaw.
Nakita nila kung paano sunod sunod na atakihin ni Ish ang halimaw.
"Yown!" Sigaw ni Shawn dahil nakikita niyang natatalo na ni Ish ang halimaw.
Kasabay nito ay nakarinig sila ng putok ng baril mula sa itaas kaya sabay sabay silang tatlong tumingin sa langit.
Nakita nilang pa-gewang gewang ang helicopter na sinasakyan ni Dr. Stromhold. At mas nabigla sila sa naaninagan nila sa loob ng helicopter.
"Si Jayvee!" Gulat na sigaw ni Trina. Hindi kasi nila inaasahan na nasa helicopter si Jayvee, at buhay.
Pilit na ginugulpi ni Jayvee ang doctor sa loob ng helicopter. At matinding tuwa ang naramdaman ng tatlo nang makita ito.
Ngunit dahil nga nawawalan na ng kontrol and piloto ay biglang nagalala si Shawn.
"Shit! Delikado!! Baka bumagsak yung helicopter!!" Bulalas nito na ikinagulat ng dalawa. Ngunit walang magawa ang tatlo dahil nasa himpapawid ang helicopter.
Muling napukaw ang atensyon ng tatlo nang marinig muli ang sigaw ng halimaw. At ganoon na lang ang gulat nila nang makitang sakal sakal na ng halimaw si Ish.
"Ish!!" Sigaw ni Megan na punong puno ng pagaalala. Kitang kita kasi nito kung paano unti unting nanghihina ang zombieng si Ish.
"Dali!" Sigaw din ni Shawn at pilit na lumuhod sa harap ng cargo kahit pa may tama ito ng baril sa hita.
Kinuha nya ang bala ng rocket launcher at pinagtulungan nilang ilagay ang bala nito.
"Help me!" Sigaw ni Shawn sa dalawa at saka nila tinulungang buhatin ang rocket launcher at ipinatong sa balikat ni Shawn.
"Bitch!!" Sigaw ni Shawn at saka nito pinindot ang malapad na gatilyo ng rocket launcher.
Narinig ng halimaw ang ingay ng paparating na bala ng rocket launcher kaya lumingon ito sa gawi nina Shawn.
Nagulat ito ngunit huli na ang lahat at hindi na ito nakailag pa. Kaya naman buong pwersang sumabog ang bala sa katawan ng halimaw.
Kasabay nang pagsabog ay ang pagtilapon ng tatlong magkakaibigan sa di kalayuan.
BINABASA MO ANG
My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019
Misteri / ThrillerNagising si Megan at nakita nyang buhay pala si Mischa at tao na din ito. Tuluyan na kayang maging happy ending ang kanilang love life, pati na rin ang buhay ng mga natitirang tao sa buong mundo? O panibagong struggles and adventure na naman ito? Su...