CHAPTER 26

22 15 1
                                    

June 29,2023 09:12:24 pm
Andria Jay Del Valle
"Piggy☹️. Sinasabi ko sa'yo piggy huwag kang lalayo at tatakas gaya ng ginawa mo noon😒😒"
"'Di ka makakatakas sa'kin aba😒 isusumpa talaga kita choss sisingilin pa kita ng insurance na sinasabi mo noon kapag nabaliw ako kaya 'wag kang lalayo😒"
"Incase you need it. Good morning😊"
"If you didn't know her name then she's Ezra😊 *pats your head* kakayanin go go go✊✊"

Mga mensaheng aking ipinadala kay Baboy kasabay ng link ng post ni Ezra kagabi. I think it would be better if I'll help them to be reunite. Baka ito pa ang magiging daan upang bumalik siya sa dating Baboy na aking nakilala.

July 2,2023 04:26:21 pm
Andria Jay Del Valle
"Hoy"
"Ikaw ba talaga iyan?"
"Kung hindi titigil na ako"
"Magreply ka nga ng oo o hindi ng matahimik na ako"

Maybe I may look like a demanding one but I couldn't help myself not to. The negatives are too much to handle. Hindi ako pinapatahimik ng aking isipan. Nakakaubos. Nakakapanghina.

Jasper Gian Dela Vega
"Bakit?"

He asked around 10 in the evening. It's almost 1 am na ng aking mabasa. Nakatulog pala ako.

Andria Jay Del Valle
"Syempre gusto ko lang makasigurado na sa iisang tao lamang ako nagpapakatanga. Hehez😁sege salamat sa response pwede na akong tumahimik. Ayaw ko na ulit mapaglaruan ng 2 na tao sa iisang account gaya ng ginawa ni Dave at ni Gab. Good mornight. Congratulations? Grad. niyo later diba? Later ba? Or bukas? Basta congrats. Sleep na me ulit, nagising lang talaga si me. Nytnyt, sleep tight and sweet dreams *kiss your head* sleepwell"

Saad ko na tila ba'y nabuhayan muli ng pag asa.

Jasper Gian Dela Vega
"Then uto uto ka kung ganoon"

Mensahe niya kinagabihan.

Andria Jay Del Valle
"Then what's the truth? Hindi ko ba talaga deserve malaman ang totoo?😗 You didn't lie naman to me diba? Ta's hindi mo naman ako pinaglalaruan diba?"

Pagsusumamo ko.

Jasper Gian Dela Vega
"Anong totoo ba?"

He asked.

Andria Jay Del Valle
"About your identity. Is it really your real name? If yes, then what happened? Bakit hindi ko nakita name mo sa list of graduates? If no, then why? Ano iyong totoo mong real name? Maiintindihan ko naman, gusto ko lamang malinawan. You're my piggy right?"

Mahabang litanya ko kinaumagahan. Hindi na ako nakakapag online tuwing gabi kaya ngayon ko lamang nabasa ang kaniyang mensahe na ipinadala. I'm stuck between trusting my heart that says he's my piggy or trusting my mind that says he's not.

Jasper Gian Dela Vega
"I don't want to talk to it. I don't want to explain. It's your choice if you believe or not"

Tanging saad niya na aking ikinahina, ngunit nagbigay linaw sa aking isipan.

Andria Jay Del Valle
"Hahay, kumain kana ba? I guess there's no other way left but to wait😗 *pats your head* take care of yourself. Magkikita pa tayo, hope so"

Wika ko na neseen na lamang niya. Hahay, hindi ko alam kung hanggang kailan at hanggang saan ba ang aking makakaya upang manatili sa tabi niya. Parang gusto ko ng sumuko na parang ayaw ko pa.

July 7,2023 12:02:03 am
Andria Jay Del Valle
"2 years and 7 months of knowing you. Good mornight, sleep tight and sweet dreams"

July 7,2023 12:24:33 am
Andria Jay Del Valle
"Naalala ko lang baka gusto mong basahin dl mo na lang"

Saad ko saka nisend ang pdf na konektado sa psychology. I know he wants to pursue psychology that's why I sent it to him eventhough I don't know if he'll read it or not.

Twin FlamesWhere stories live. Discover now