CHAPTER 27

20 14 1
                                    

July 25,2023 04:28:24 am
Jasper Gian Dela Vega
"I just only remember it when I watched it, but now I don't"

Mga mensaheng bumungad sa aking umaga. Hindi ko alam ngunit parang ibang iba ang oras ng kaniyang pagtulog saka pag gising ngayon kumpara noon.

Andria Jay Del Valle
"Oo na lang ako. Ang aga mo. Natutulog kaba? Morning"

Saad ko na hindi na umaasang makakatanggap ng anumang tugon mula sa kaniya.

Jasper Gian Dela Vega
"Yes"

Tugon niya bandang alas dose ng umaga. For the nth time, bumalik na naman siya sa muling pagseen sa akin noong tinanong ko kung ilang oras ba ang kaniyang itinutulog. Hahay.

July 28,2023 04:36:47 am
Andria Jay Del Valle
"Good morning piggy. Have a safe day. Take care"

Muli ko na namang habilin. Unti unti na rin akong nasasanay sa ganitong set up. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay malapit na akong sumuko sa aming sitwasyon. I was fighting my anxiety again here on my bed, waiting to fall asleep with my awesome pillow on my side while scrolling on my news feed when Ezra's post passed by.

"Shit, nagseselos ka pala kapag may kaasaran siyang iba sa comment sec"

A post of a page named Weird that she shared with a caption "Hindi pala dapat ikaselos 'yon😯". Para bang may isang patalim na naman ang muling sumaksak sa aking dibdib na kay hirap indahin ang idinulot na sakit. Malakas ang aking kutob na kami ang pinapatamaan nito.

"Mabuti nga tahimik lang akong magselos noon e, eme"
"Pero hindi mo nga siya iniwasan kahit na sinabi mong iiwasan mo siya? Charot hahaha"
"I understand and I get it naman"
"It's alright, past is past nga naman"
"Never mo talagang sinabi na pinagseselosan ko siya kahit alam mo naman na pinagseselosan ko siya? Eme"

Mga komento niya sa comment section. I felt being judge and being mock. I know it's for us. Ako lang naman ang kaniyang pinagseselosan. Nabanggit ko sa kaniya noong nagkakausap pa kami tungkol sa ilang beses ko ng pagtangkang dumistansya kay Baboy ngunit patuloy lamang akong nahihila pabalik. Nabanggit ko rin sa kaniya na hindi sinasabi ni Baboy sa akin kung nagseselos ba siya sa tuwing tinatanong ko ang bagay na iyon at kung mangyari man ay huwag na lamang siyang makipag usap sa akin. Parang nakakapanghina na lamang bigla ang lahat. Bakit ganoon? Bakit parang bawal iyong pagkakaroon namin ni Baboy ng komunikasyon? Tangena. It's draining. I was eager to prove my innocence indirectly kaya naman hinanap ko sa aming konbersasyon ni Baboy ang mga panahong tinatanong ko siya kung nagseselos ba sa amin si Ezra sabay myday with a caption 'shot to kill'. At this point of time, I can't let myself being judge and being mock by the others instantly. If she's hurt by the truth then I don't care anymore. It's not my problem, she started it first. I just only want to clear my name. Kung iyong kamakailan ay napalampas ko pa, puwes ngayon ay hindi na.

July 30,2023 12:16:29 am
Andria Jay Del Valle
"Good morning piggy. Have a nice day. Take care"

Muling mensahe ko sa kaniya makalipas ang ilang araw. After I myday some of my past conversation with Baboy to prove my innocence, Ezra deleted her shared post about jealousy thingy, the day she viewed my myday. Maybe she felt embarrassed about what she did. Days past, same set up maliban na lamang sa parteng nakakausap ko na minsan si Baboy ng paunti-unti. I'm contented about it.

August 7,2023 01:13:11 am
Andria Jay Del Valle
"2 years and 8 months of knowing you. Nytnyt, sleep tight and sweet dreams. Sleep na me ulit. Nagising lang talaga ako😴"

Saad ko saka muling natulog. I still have duty as an advertising specialist later.
Makalipas ang ilang oras na pagtatrabaho ay sa wakas break time na rin. Excited akong nag open ng aking Facebook ngunit ang lahat ay biglaang naglaho at napalitan ng panghihina ng hindi ko maopen ang aking rpa. Ilang beses ko ng inulit ulit ngunit patuloy lamang itong nagiging incorrect password kahit na sakto naman ang aking inilalagay. Gusto ko na lamang umuwi at umiyak. Bakit ganuon? Kung kailan paunti unti na kaming nagkakausap muli, doon ko naman hindi ma open iyong aking account. Bakit parang pakiramdam ko tutol sa aming dalawa ang aming paligid? Nakakatanga. Hours past that turns into days that turns into weeks, hindi ko na talaga siya maopen. Para bang binagsakan ako ng langit at lupa dahil sa mga nangyari. Ultimo pati ang aking trabaho ay nagdudulot ng mga negatibo sa aking isipan. Iyong rpa ko na lamang ang aking takbuhan ngunit pati ito ay pawang lumisan.

Twin FlamesWhere stories live. Discover now