CATHERINE'S POV
"Ano bang nangyari sa inyo? Bukas,babalik ang mga detectives at iba pang mga pulis para imbestigahan ang mga bangkay.Sa ngayon ay pumasok na kayo sa kotse at iuuwi na namin kayo." Sabi samin ng pulis.Kaya pumasok na kami.
---
Nakauwi na kaming lahat.Nandito ako ngayon sa kwarto ko.Namalayan ko nalang na tumulo na pala yung mga luha pagkakita ko ng picture naming nagbabarkada.Bakit nauwi sa ganun ang lahat.Si Aubrey.Siya nga ba talaga kaya ang killer? Ibig sabihin ligtas na kami diba??
Kinabukasan,naghanda na agad ako para sa pagpasok dahil kailangan daw naming magreport sa school ngayon.
--
Nandito na ako sa school at dumiretso na ako sa principal's office dahil pinapatawag daw kami ng Principal.
Pumasok ako sa loob na naabutan ko na nandun na silang lahat.Si Jasmine,Abby,Andrea,Ryan, at Joseph.Lima nalang kaming natitira.Umupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Andrea.
"Ok.So kumpleto na kayo.Nabalitaan namin ang nangyari sa inyo.Halos isang linggo kayong absent!Pumunta ang mga magulang niyo at hinahanap kayo sa amin! Mabuti na lamang at wala pang ibang nakakaalam ng mga patayang nangyari sa inyo dahil masisira ang paaralan natin! Kaya wag na wag niyong ipagsasabi sa kahit kanino ang nangyari sa inyo! Nga pala,yung resort na pinuntahan ninyo,pinatigil na namin ang imbestigasyon para na rin sa ikabubuti ng paaralan.
Wag kayong mag-alala ang pitong bangkay ay naibigay na sa kanilang mga magulang at napagkasunduang ilihim na lahat ng nangyari.Pwede na kayong pumunta sa klase niyo." Sabi nang principal.
Tumango na lamang kami dahil alam naming wala na kaming magagawa sa sitwasyon na 'to.
Sabay sabay kaming pumunta sa room namin.
"Guys,let's go to bar later!" Yaya ni Abby na parang walang nangyari sa amin.
"SHUT THE FUCK UP BITCH!! NAKUHA MO PANG MAGSAYA HA! Namatay ang walong kaibigan natin nakuha mo pang magbar!!" Iritang sabi sa kanya ni Andrea.
Masakit man isipin,pero oo.Patay na sila.Hindi namin alam kung paano ulit namin haharapin yung araw araw thinking namatay silang lahat sa isang iglap.Yung masayang outing nauwi sa karumal dumal na patayan.Pero tapos na lahat diba? Patay na si Aubrey.Patay na ang killer.
Namatay siya.Pero hanggang ngayon,hindi namin alam ang rason niya.Maski ako,hindi ko alam kung bakit,at kung siya nga ba.
Psh.Masiyado na akong nag-iisip nandito na pala kami sa room namin.
Mamaya maya ay pumasok na rin ang teacher namin.
"Goodmorning class.So,nagdrop out na ang walo niyong kaklase.And no one knows the reason sabi ni Principal." Sabi ni Ms.Nits ang adviser namin.
Drop out? Bullshit.Naniwala naman ang mga tangang kaklase namin na nagdrop out sila.Putangina mga walang utak.Tss.Drop out ng sabay sabay? Namatay sila at ayaw nilang sabihin sa iba.Why are they hiding it anyway? Para sa image ng school? That's bullshit!
"So now,may mga transferees na galing pa sa ibang school." Sabi ni Maam at pumasok na nga ang tatlong lalaki sa loob ng room.I never mind thinking and analyzing their appearances.I don't care anyways.
ANDREA'S POV
Pumasok na sa loob ng room ang tatlong lalaki at masasabing gwapo naman sila.Pero hindi ko na lamang iyon pinansin.Nagpakilala na sila isa-isa sa harapan.
"Hello^_^ My name is Karl Drake.I'm from Sapphire school.Please be nice to me guys" sabi niya with full smile.Based on his appearance,masayahin siya,maloko,at kung ano ano pa.Tss.
BINABASA MO ANG
Unmask the Killer
AléatoireIt all started with a game. A game of life. Where time out, pause and break are forbidden. A game where everyone should die. Are they going to survive it? Are they going to UNMASK THE KILLER before its too late?
