CHAPTER 18: TRICK DECODED

187 8 0
                                    

ANDREA'S POV

8:50 pm
Maingay ngayon dito sa bahay dahil umuwi ngayon ang parents ko at madaming bisita.

Since,ayoko sa maingay ay nagbihis na ako at kinuha ang bag ko,nilagay ko sa bag ko ang box na may lamang clues.

Dahil mamayang 10:00 pm pa naman daw ang battle of the bands ay tumambay muna ako sa pinakamalapit na amusement park.Umupo ako sa pinakadulong bench na walang katao tao at inilabas ang mga clues na nasa box.

Tinitigan ko pero katulad ng dati,kahit konti wala akong maisip.Futaa.

Tinignan ko ang mga batang naglalaro sa mga rides,mga nagtatakbuhan,kumakain ng ice cream.Ang saya nila.Malas lang dahil hindi ko naranasan maging ganyan nung bata pa ako.Yeah,dahil spoiled brat kami dati at mga bully,masama ugali,at walang kwenta nung elementary.Naaalala ko pa yung lalaki na binugbog.I can't imagine na ganun ako kalala dati.Hayss,pinagsisisihan ko yun.

"Busy ah!!" Nagulat ako ng biglang lumitaw sa harap ko si Abby kaya agad kong itinago ang hawak kong box.Napansin ko na may kasama siyang bata.

"Sino siya?" Tanong ko.

"Ah hehe.Pinsan ko.Si Luke." Sabi niya.Sa itsura mukhang 4 years old palang yung batang lalaki.Mataba at nakasalamin habang kumakain ng lollipop.

"Uh pwede ba akong humingi ng favor??" Sabi niya sakin.

"Anong favor naman?" Tanong ko.

"Uh,kasi pinapabili ako ni Tita ng diaper sa convenience store.Napadaan ako kanina at madaming tao.Pede bang iwan ko muna sayo si Luke? Promise babalik ako!" Sabi niya sa akin.Tatanggi pa sana ako ng bigla na lamang siyang tumakbo.Gaga yun ah.

"Ate,gusto ko ice cream!" Sabi nung bata at umupo siya sa tabi ko.

"Hah? Hindi pwede.Wala akong pera." Sabi ko sa kanya.

"Don't you know that lying gives you 99.9 % of going to hell?"sabi niya na ikinagulat ko.Aba't! Lupet netong batang to ah!

"You looked stressed.You look older than your age.You looked wasted." Sabi niya at nagbukas ng isa pang lollipop.

"Hoy bata wag mo ko iniinis.Sige na bibilhan na kita.Wag ka ng salita ng salita.Jan ka lang at wag na wag kang aalis jan kundi ipapatugis kita sa mga kilala kong power ranger!" Sabi ko at tumayo na.

Nagsimula na akong maglakad para bumili ng ice cream.

"Manong ice cream yung taglilima!" Sabi ko sa nagtitindang mukhang nakainom ng rugby.

"Libre na sayo miss,kiss mo lang ako." Sabi niya sabay kindat.

"Hoy putangina ka shet baka gusto mong ikiskis ko yang nguso mo sa semento?! Limang pisong ice cream lang at madami akong pera kaya hindi ko ipagpapalit ang kalusugan ko sa limang pisong ice cream!!"

Halatang nainis naman siya kaya nagbigay nalang siya at nagbayad na ako.Psh..

Nakabalik na ako pero lubos akong nagulat sa nasaksihan ko.

"Sinong nagsabing pakialaman mo yan!?" Sigaw ko kay Luke ng makitang binabasa niya ang clues na bigay ng friend.

"Riddles ba to?" Sabi pa niya at tinuloy lang ang pagbabasa.Kaya inagaw ko na sa kanya yun at itinago.

"Wala.Loveletter yan.Kainin mo na ice cream mo!" Sabi ko at iniabot ko na yung ice cream niya.

"Liar." Simpleng sabi niya at kinain na ang ice cream niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at pinagmasdan nalang ang mga batang maglalaro sa paligid.

"Alam mo ate,kung ako sayo,kakain ako ng madaming ice cream para tumaba.Tignan mo sarili mo,daig mo pa nasagasaan ng rumaragasang planet sa sobrang payat mo." Sabi nya..

"Tss.Ang dami mong alam.Ikaw nga para lang plastik ng yelo na hinipan." Pang aasar ko rin sa kanya.

"At least cute." Aish.Badtrip na bata to.

Mamaya maya pa ay natanaw ko na parating na si Abby.

"Hoy Luke tara na.Salamat Andrea." Sabi niya at tumayo na si Luke.

"Sige mauna na kami ah." Sabi niya.

"Sige ingat." Sabi ko.

Nakakalimang hakbang pa lamang sila ng tumigil sila.

"Ate Abby i want to hug ate Andrea because she buys me ice cream!" Pumayag naman si Abby kaya lumapit na sa akin si Luke at nginitian ko siya.

Niyakap niya ako sabay bulong ng..

"First letter trick."

At sa isang iglap,bigla nalang siyang tumakbo at umalis na sila.

First letter trick.Fck.Mas matalino pa yung bata sa akin? Haykenbelibit!!

Agad kong kinuha ang box at binasa ulit ang mga clues.Ginawa ko lahat ng combinations hanggang sa makabuo ako ng isang pangalan.

Halos manlamig ako sa nakita ko.Oh good God.B-bakit siya.

Agad kong kinuha ang bag ko at aalis na sana ng magtext sa akin si Jasmine.

Nauna na kami dito sa plaza.Sunod ka nalang babae.Napasarap ata pagmumuni muni mo.^_^

Pagkatapos kong basahin yun ay binalik ko na sa bulsa ko yung phone ko.

"Uy excited na ako sa battle of the bands bukas! Balita ko guest ng town ang Exo at Super Junior!! Shet heaven." Napalingon ako sa grupo ng babaeng naguusap at pumukaw sa atensyon ko.Hindi dahil sa EXO at Super Junior pero dahil sa batte of the bands. Kaya agad akong lumapit sa kanila.

"M-miss battle of the banda bukas?" Tanong ko sa kanila.

"Oo miss.Bakit Exo-L ka din ba? Ahh baka ELF ka? Oo bukas yun miss." Sabi nung magandang babae sakin.

"H-hindi ngayon?" Tanong ko kahit sobrang lakas na ng kabog sa dibdib ko.

"Haha.Masiadong atat? Oo bukas pa! Baka masiado advance kalendaryo niyo." Sabi pa nia.

"Salamat miss,Andrea nga pala." Sabi ko sa kanila.

"Ah ako si Antonette." Sabi nung magandang babae.

"Ako naman si Jennylyn." sabi pa nung isa.

"I'm Hailey." Tumango na lamang ako at nagsimula ng tumakbo.Nararamdaman ko na umaambon na pero wala akong paki shet! Nasa panganib silang lahat madafaka!!

Tumakbo ako ng tumakbo kahit di ko alam kung saan ako patungo.

*Beep beeepp!!*

Napatigil ako ng may marinig akong busina.

"Sakay na." Simpleng sabi niya.

Oh God.Bumalik na siya.

Unmask the KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon