Chapter 4

4.4K 122 3
                                    

The next thing Jia knew was she's on the floor.

"Ay! Sorry ate Jia!" Sabi ni Angelo at patakbong lumapit kay Jia. Tinulungan niya itong tumayo pero dahil maliit pa ito ay hirap na hirap siya.

"Pasensya na po, hindi ko po talaga sinasadya, hindi ko po kasi kayo nakita" Sabi pa ni Angelo. Lumapit naman si Bea at iniabot ang kamay kay Jia. Jia doesn't want to be rude in front of the kids kaya tinanggap na niya ang alok ni Bea para tulungan siya.

"Nako, nadumihan na po yung suot mo pati ikaw, pasensya na po talaga" Sabi pa ng bata.

"Ano ka ba Angelo, okay lang yun" Sagot ni Jia and pat the boy on his head.

"Sorry po talaga" Sabi niya ulit.

"Okay na yun, aksidente lang naman, hindi din naman kasi ako nakatingin, okay lang yun" Sabi pa ni Jia at ngumiti.

Pabalik na kasi ang lahat sa loob ng bahay ng mabangga siya ng bata, kaya naman napa dapa si Jia at sakto pang sa may putik, buti na nga lang at ang shirt ni Jia lang ang nadumihan, kaunti din naman sa braso, pero okay naman na iyon.

"May shirt ako diyan, teka lang" Sabi ni Bea at pumasok na hindi na hinintay ang sagot ni Jia.

Pagpasok ni Jia ay saktong nilahad ni Bea ang isang tshirt na kulay dilaw.

"Okay lang.." Pagtanggi ni Jia.

"Babaho ka, lunukin mo muna pride mo please lang, tsaka pinawisan ka din naman" Sabi ni Bea.

"I insist" Sabi pa niya ng dapat ay tatanggi ulit si Jia.

Wala na siyang nagawa dahil nanunuod sakanila ang mga bata. Kinuha niya yung shirt at pumasok sa CR para magpalit.

Tinignan niya ang shirt na binigay ni Bea, may isang malaking letter A sa harap. At nung tinalikod niya iyon ay may number at apilido ni Bea.

Hindi alam ni Jia pero parang may kung ano siyang naramdaman na hindi mapaliwanag. Kusang dinala ng mga kamay niya ang shirt na hawak niya para amuyin ito.

Na realize niya na ganong ganon din ang naamoy niya kapag lumalapit si Bea sakanya. Or at least, malapit, dahil imposible namang lumapit yun sakanya.

Pagkatpos niyang magbihis, ay nakapag bihis na din si Bea sa kabilang CR, ganun din ang shirt niya, iba nga lang ng kulay.

"Salamat" Sabi ni Jia. Ngumiti lang si Bea.

"Oh, aalis na kami ah? Magiingat kayo!" Sabi ni Bea.

"Tsaka, syempre, papakabait, wag niyong pasakitin ulo ng mga nag aalaga sainyo. Mag aaral kayo ng mabuti ah?" Bilin pa niya. Sabay sabay naman na nag oo ang mga bata.

"Ate, teka po, ginawa po namin ito para sainyo" Sabi ng isang bata, si Angela, kapatid naman ito ni Angelo. Eto yung batang lumapit kay Jia kanina.

"Aw! Cute! Salamat!" Sabi ni Bea at yumuko para masabit ito ni Angela sa kanya.

Tumapat naman ang bata kay Jia kaya yumuko din ito.

Napansin niyang pareho ang kwintas niya kay Bea. Gawa ito sa mga bato na malamang napulot ng mga bata sa tabing dagat na malapit sa bahay na ito.

"Salamat!" Sabi ni Jia at ngumiti.

"Sana po magtagal kayo" Sabi ng isang bata.

Sumingkit naman ang mata ni Jia dahil hindi niya nagets ang sinabi ng bata.

"Kayo talaga!" Sabi ni Bea at binuhat yung nagsalita.

"Ate Bea, ingatan mo po si ate Julia ha? Hindi lang po maganda, mabait pa" Sagot nung bata.

Summer Daze (JiBea FanFic) COMPLETEDWhere stories live. Discover now